Nabasa ko na hiwalay na sina Sam Concepcion at Jasmine Curtis Smith.
Ito kaya ang reason kaya nagbakasyon sa Amanpulo ang magkapatid na Anne at Jasmine?
May sitsit noon na hindi boto si Anne kay Sam. Nagkaroon pa ng isyu nang magkita ang dalawa sa isang birthday party na nagmukhang kontrabida si Anne dahil parang minaliit niya ang pagkatao ng boyfriend ng kanyang kapatid.
Baby sister ang tawag ni Anne kay Jasmine at love nila ang isa’t isa. Baka tinutulungan ni Anne si Jasmine na maka-recover ito mula sa break up kaya nagbakasyon grande sila sa Amanpulo, isa sa mga pinakamahal at sosyal na beach resort sa Pilipinas. Mga sikat na Hollywood personality ang lihim na nagbabakasyon sa Amanpulo.
Anjanette sexy pa rin pero hindi na fresh ang hitsura
Magkaiba ang mga tatay ng dalawang anak na lalake ni Anjanette Abayari pero nakita ko noong Sabado ang closeness nila sa kanilang ina.
Nag-guest si Anjanette sa Startalk noong Sabado at bitbit niya ang kanyang mga anak na magkaiba ang itsura pero parehong guwapo.
Walang nagtagal na relasyon si Anjanette dahil nagkahiwalay sila ng ama ng mga bagets pero naniniwala ako na good mother siya kaya close na close sa kanya ang mga bata.
Kasama ni Anjanette sa Startalk studio ang kanyang ina. In fairness, maganda ang nanay ni Anjanette at mas beauty siya kesa sa kanyang anak.
Seksi pa rin si Anjanette pero hindi na siya fresh dahil sa dami ng kanyang mga pinagdaanan sa buhay.
Gov. Vi pinatunayang may boses kesa kay Luis
Pinatunayan ni Batangas Governor Vilma Santos-Recto na may boses siya kesa sa kanyang anak na si Luis Manzano.
Special guest kahapon si Mama Vi sa anniversary celebration ng ASAP at dalawang kanta ang inawit niya, ang Top of the World at I Will Survive.
Live ang pagkanta ni Mama Vi at naka-survive siya sa duet nila ni Alex Gonzaga.
Bigay na bigay ang performance ni Mama Vi na never na naging sintunado habang kinakanta niya ang I Will Survive. Wala tuloy naniwala sa joke ni Luis na talagang mag-ina sila ni Mama Vi dahil nairaos nito ang madamdamin na pagkanta.
Sunshine hinihintay sumagot
Hinihintay ng mga intrigera ang sagot ni Sunshine Cruz sa official statement na inilabas sa media ng kanyang estranged husband na si Cesar Montano.
Nagpahiwatig kasi si Cesar na may kinalaman ang mga property na hinihingi ni Sunshine sa pagputok ng tsismis na gumawa siya ng kalaswaan sa harap ng kanilang mga anak na babae.
Knowing Sunshine, sasagutin niya ang official statement ni Cesar bilang pagtatanggol sa sarili.
Xian tinalbugan sina Alma at Anjanette
Lumuwas kahapon sa Maynila si Albay Governor Joey Salceda dahil nainterbyu ito ng mga reporter na sinadya siya sa isang hotel sa Mandaluyong City.
Siyempre, ang isyu tungkol kay Xian Lim ang inusisa kay Papa Joey ng mga reporter. As usual, naging accommodating at generous si Papa Joey sa pagbibigay ng kanyang panig.
Walang big issue sa showbiz noong nakaraang linggo kaya pinagpistahan nang todo ang reklamo ni Papa Joey laban kay Xian.
Runner up lang ang mga complaint nina Alma Concepcion at Anjanette Abayari laban sa kanilang mga ex-dyowa dahil panahon ngayon ni Xian.