Niño emosyonal nang makita ang mga nakatulong nung bata pa

Naging emotional si Niño Muhlach sa naganap na contract-signing ng kanyang anak na si Alonzo Muhlach para sa Viva Artist Agency.

Paliwanag nga ni Onin na kaya siya naging emotional ay dahil hindi niya inakala na ang mga press na nakilala at sumuporta sa kanya noong bata pa siya ay nandyan pa rin at ang anak naman niya ang sinusuportahan.

“Hindi lang ako makapaniwala na ganito na pala ako katagal sa industriyang ito.

“Kung noon, ako ang kinakaaliwan, ngayon si Alonzo na ang kinakaaliwan ng mga reporter na nakilala ko noong panahon na kasing-edad ko ang anak ko.

 “Through the help of Viva Artist Agency and Tita Aster Amoyo, alam ko na mabibigyan ng magandang career si Alonzo,” sey pa ni Niño.

Sunud-sunod na nga ang mga projects na naka-line up kay Alonzo.

Ang una ngang movie na pagbibidahan ni Alonzo ay remake ng isang hit movie ni Niño na Kuwatog.

Kahit na dagsa ang trabahong dumarating kay Alonzo, nais pa rin ni Niño na lumaking normal ang anak.

“Kahit na nandiyan na ang mga project, gusto ko pa rin na lumaking normal na bata si Alonzo. Huwag naman tulad nang nangyari sa akin noon na halos wala akong pahinga. Kaya nga hindi tayo lumaki!” tawa pa ni Onin.

David Pomeranz hindi nagsasawang magsulat ng kanta

Muling dumating sa Manila ang award-winning balladeer na si David Pomeranz para i-promote ang kanyang bagong album titled David Pomeranz Greatest Hits na released ng PolyEast Records.

Nakilala ang 64-year-old New York-born singer and composer dahil sa kanyang mga classic hits na Got To Believe In Magic and King & Queen of Hearts na nakasama sa soundtrack ng 1982 hit come­dy na Zapped.

Sa kanyang bagong album na Greatest Hits, included nga ang kanyang classic hit na Born For You na naging national anthem na ng mga lovers.

Kasama rin sa album ang mga songs niyang On This Day, The Old Songs, Until I Fall in Love Again, Undying Admiration, Trail of Broken Dreams, Tell Me, If you Walked Away (duet with Sharon Cuneta), Tryin’ to Get the Feeling Again\ (a song he wroted for Barry Manilow) and Devoted to You.

May bago rin siyang isinulat na single titled Crazy Beautiful.

Tinanong namin si David tungkol sa kanyang writing style. Saan ito nanggagaling and does he write it just for the money?

“I love writing songs that people will get to appreciate for many years and generations to come. That for me has no price. It’s something that I do best. I just don’t write songs just because I get paid for it. I do it because it comes from the heart.

“I’ve tried writing songs because I was commissioned to do it. And I tell you, it was bad. I mean, these are the works that I am not really proud of doing.

“That’s why it takes me a long time to come up with a new song because I have to find that inspiration in me. When it comes, the words and music just flows out.

“Earning money is great but it’s not something that would last. I want a song that will last and people everywhere will be able to sing it with that love in their hearts,” ngiti pa niya.

May isinulat ngang song si David para sa soundtrack ng isang animated film titled Max and Me na ipapalabas pa in 2016.

Aquaman nakita na!

Ang maskuladong Hawaii-born Hollywood actor na si Jason Momoa ang napiling gumanap bilang si Aquaman.

Sa 2018 pa nga ipapalabas ang pelikula ng DC Comics hero na si Aquaman pero lalabas na ang character na ito sa pelikulang Batman Vs Superman: Dawn of Justice.

Pinost ng director na si Zack Snyder sa kanyang Twitter page ang official photo ni Jason Momoa as Aquaman na may caption na “There is only one true King #unitetheseven.”

Kabilang nga si Aquaman sa ilang superheroes na bubuo din ng pelikulang Justice League Part One and Part Two kungsaan kasama si Batman (Ben Affleck), Superman (Henry Cavill), Wonder Woman (Gal Gadot), Cyborg (Ray Fisher) at sina Green Lantern at The Flash na pinagpipilian pa kung sino ang gaganap.

Unang nakilala si Jason Momoa nang lumabas ito sa TV series na Baywatch in 1999. Nagbida na ito sa pelikulang Conan The Barbarian in 2011. Huli siyang napanood sa TV series na Game Of Thrones.

Girlfriend ni Jason ang aktres na si Lisa Bonet kung kanino meron siyang dalawang anak na sina Lola at Nakoa-Wolf.

Show comments