Anne sa piling ng mga bata nag-celebrate ng 30th birthday

Simpleng-simple lang ang suot ni Anne Curtis kahapon sa It’s Showtime as she celebrates her 30th birthday. Siyempre, bati-to-death ang mga kasamahan niya sa noontime show at narooon din ang kanyang ama na bumati rin on stage.

Nagpaalam si Anne kahapon sa It’s Showtime na maaga raw siyang aalis dahil may pupuntahan silang special place para ipagdiwang ang kanyang kaarawan. Hindi niya sinabi kung ano ito pero mukhang meaningful at kakaiba ang gagawin niyang selebrasyon.

Sa kanyang Instagram account last Monday ay nag-post si Anne ng mga children’s books na may caption na “All ready for tomorrow. Will be spending my birthday somewhere special and meaningful after Showtime #AnnesJourneyTo30”.

Mukhang may kinalaman sa mga bata ang birthday celebration ni Anne.

Nag-post din siya ng kanyang baby picture with a touching birthday caption.

“On this day, 30 years ago, Little ME was born. It’s been a wonderful, crazy, humbling, sometimes hurtful, challenging but beautiful journey till now and I’m so excited to see and experience what life, the universe and our Heavenly Creator has yet to reveal to me! Thank you for all the sweet birthday greetings! Sending light, love and a million kisses to all of you!!!” ang post ni Anne.

Jasmine aminadong matigas ang ulo at hindi nakikinig sa mga pangaral ni Anne

Nagsipagbati rin sa IG ang kanyang mga kaibigan, gayundin ang kapatid na si Jasmine Curtis-Smith na nag-post ng larawan nila ng ate niya noong maliliit pa sila.

“Happy birthday Ate @annecurtissmith it’s so difficult to think of a message for you because everything I could wish for, you already have. The only thing I could think to ask the Lord for is to keep on flourishing your blessings. I’m so thankful that we’ve grown close to the point where nababatukan na kita pag inaasar mo ako. thank you for being the core of the Curtis Smithees and never being short of help for our parents for always being my Ate in every aspect kahit na matigas ulo ko and ‘di ko pa nakikita ang point mo. For always being crazy for the world to love and be entertained by. For being so so amazing. For showing me what passion for the craft is all about. WE’RE OFFICIALLY A DECADE APART TODAY let that sink in. 30 KA NA!!! I love you!!!! Can’t wait to spend the day with you,” post ni Jasmine.

Bumati rin si Concert King Martin Nievera at kaibigang si Luis Manzano, Jayson Gainza talbog ang mga kapanabayan

Bongga si Jayson Gainza dahil hindi siya nawawalan ng career sa ABS-CBN. Hindi man siya ganu’n kasikat nang husto tulad ng mga Kapamilya leading men, daig pa niya ang ibang artista na hindi madalas na nabibigyan ng project.

Bukod sa regular show niyang Banana Split at napakadalas niyang ma-cast sa mga teleserye. Nga­yon ay may nadagdag na naman sa kanyang bagong regular show dahil kasama siya sa Kool Trip, Backpackers Edition, ang bagong travel show na handog ng ABS-CBN Sports and Action, Kool Trip Productions at ng AMT Recreation Hauz and Multimedia Services Co.

Thirty minutes lang ang show pero masasaksihan mo dito ang iba’t ibang destinasyon sa Pinas na magpapatunay na “it’s more fun in the Philippines”.

Si Jayson ang magsisilbing live wire ng grupo na kinabibilangan nina 3rd District Negros Occidental Representative na si Albie Benitez,  at  ang model at beauty queen in the making na si Marjorie Cornillez. Silang tatlo ang hosts ng show.

Sa unang season ay ipinakita na ng Kool Trip barkada ang mga lugar tulad ng Albay, Bicol, Caliraya, at Cavinti Laguna, Fort Ilocandia Ilocos Norte, Pagudpod Ilocos Sur, Baler Quezon at Sagada.

Sa susunod na episode, itatampok ang ganda ng Coron, Palawan kasama si Albert Martinez bilang guest director. Ipapalabas ito sa Feb. 28. Sa mga susunod pang episodes ay ipapakita naman ang Oriental Mindoro, Cagayan Valley at iba’t iba pang lalawigan sa Mindanao at Visayas.

Napapanood ang Kool Trip, Backpackers Edition every Saturday, 6:30-7:00 a.m. sa Studio 23 mula sa direksyon ni Arnel Caibal.

Show comments