Daniel inamin na mas matapang si Kathryn kaysa sa kanya

Aminado si Daniel Padilla na may mga craziness din daw ang ka-loveteam at rumored girlfriend na si Kathryn Bernardo.

“Ano rin ‘to, eh, addict sa adrenalin rush itong si Kathryn, eh. Hindi siya ‘yung tipo na matatakutin sa mga bagay na extreme. Mas matapang pa siya sa akin sa mga ganu’n. Ako ‘yung nagiging crazy sa mga pinaggagawa niya,” sabi ni Daniel.

Ano naman ang nakikita niyang beautiful traits ni Kathryn?

“’Yun na ‘yun,” maikling sabi ng Teen King.

Nang si Kathryn naman ang natanong, aniya ay marami rin daw craziness si Daniel.

“Hindi ‘yung crazy na maiirita ka na ang kulit-kulit, ganyan. Crazy siya na ang cute, kasi para siyang little boy,” say ni Kath na ikinakilig ng mga fans na nasa presscon ng pelikula nilang Crazy Beautiful You ng Star Cinema.

Pero marami rin daw beautiful traits ang ka-loveteam.

“Kasi, si DJ ‘yung tipo ng tao na hindi niya kailangang sabihin lahat ng ginagawa niya. Makikita mo na sa kanya, eh. Kahit makasama mo siya ng isang araw, ‘yung mga little things na ginagawa niya, makikita mo na napakabuti niyang tao. Hindi ko ‘to sinasabi dahil ka-loveteam ko siya pero mabait ho ‘yan,” papuri ni Kath kay Daniel.

Um-agree naman agad ang young actor.

“Totoo ho ‘yan, mabait ako. Kaya hindi ako sumasama kung kani-kanino, eh,” say ni Daniel na natatawa.

Showing na ang Crazy Beautiful You sa Feb. 25 bilang post-Valentine offering ng Star Cinema mula sa direksyon ni Mae Cruz-Alviar. Kasama rin dito sina Iñigo Pascual, Lorna Tolentino, at Gabby Concepcion.

Iñigo manggugulo ng relasyon

Si Iñigo ang ka-love triangle ng Kathniel loveteam sa Crazy Beautiful You at wala raw problema kung support lang siya nga­yon considering na nagbida na siya sa pelikulang Relaks, It’s Just Pag-ibig.

“I felt like it would be a challenge, since it would be my third movie and it’s my first movie with Star (Cinema). It’s something different.

“And I think, mas marami ang pressure sa akin ngayon kaysa sa Relaks…first movie ko po ‘yung Relaks so now, I feel like they’re expecting more acting from me. So, ‘yun nga po, challenge po siya and I’m very thankful that I’m working with them,” say ni Iñigo.

Very honored din daw siya na makatrabaho sina LT at Gabo dahil dati raw ay pinapanood lang niya ang mga ito, gayundin ang Kathniel na aniya ay hottest loveteam ngayon.

“So, I’m very thankful that I’m able to be a part of their partnership at ka-love triangle po. At first, parang I was very nervous to work with them, pero nung makita ko po ‘yung set, katulad ng sabi nga ni Daniel, sobrang happy sa set kaya nadalian akong makisama and they’re very kind and very generous naman po so it was very easy,” saad pa ng anak ni Piolo Pascual.

Arjo matutupad na ang pangarap na makasama si Joel Torre

Noon pa ay gusto na ni Arjo Atayde na makapagtrabaho sa Dreamscape Entertainment ni Deo T. Endrinal at ngayong ay natupad na ito kaya sobrang happy daw niya.

Kasama si Arjo sa seryeng pagbibidahan ng JaDine loveteam (James Reid and Nadine Lustre) na On the Wings of Love at siya bale ang ka-love triangle.

Ayon kay Arjo, nung sinabi raw sa kanya ang project, umoo raw agad siya.

“Nung sinabi sa akin na Dreamscape, I already accepted it right away. Actually, one of my dreams, sa totoo lang, kaya excited din ako to work, I’m excited din to work with each and everyone, of course, new bonding, new family to be with for the next 3 – 5 months, one of my dreams actually is maka-eksena si Mr. Joel Torre, one of my biggest dreams and ‘yun nga, it’s about to happen.

“Of course, I’m excited to work also with James and Nadine, so I’m really thankful to Dreamscape for giving me this opportunity. Everything is a blessing,” say ng aktor.

Show comments