Ang magandang balita na magaling na ang testicular cancer ni Miguel ang nakarating sa akin kahapon. Ikinatuwa ko ang good news dahil nagbunga ang taimtim na pagdarasal ni Christopher de Leon at ng kanyang misis na si Sandy Andolong.
Saksi ako sa sobrang pag-aalala nina Boyet at Sandy nang malaman nila ang karamdaman ng kanilang anak.
Pero sa tulong ni God at ng mga dasal, nalampasan ng pamilya nina Boyet at Sandy ang problema na sumubok sa kanilang katatagan.
Ipinapaabot nina Boyet at Sandy ang taos-puso na pasasalamat sa lahat ng mga nag-alay ng panalangin para gumaling si Miguel.
Ito ang message of gratitude ni Sandy. “Praise You oh dear Lord Jesus Thank You sooo much for giving Miguel’s 2nd life.
“You are ourtruly great, merciful, & faithful God! You are an answering God to those who love, trust & obey You.
“Our Miguel’s doctors just happily told him that he is cancer free!!! By His stripes he has been healed indeed. We would like to thank everyone who have been praying unceasingly along with our family for Miguel’s complete healing. God’s love endures forever.”
Pacman pinagkaguluhan sa birthday party ni Manay Gina
Noong February 15 ang 66th birthday ni Congresswoman Gina De Venecia pero kahapon siya nag-celebrate sa Sampaguita Events Place, Quezon City.
Pumunta ako sa birthday lunch para kay Manay Gina dahil invited ako. Mula sa mundo ng showbiz at pulitika ang mga bisita na pinangunahan nina Manang Inday (SusanRoces), Annabelle Rama, Manny Pacquiao, at ng mga entertainment reporter na kasabayan ko.
May picture ako sa birthday party ni Manay Gina dahil masipag kumuha ng litrato si Girlie Rodis. Siyempre, bukod kay Manay Gina, pinagkaguluhan din sa kanyang birthday lunch si Papa Manny Pacquiao na kinulit ng ibang mga bisita tungkol sa laban nila ni Ms. Floyd Mayweather, Jr.
Bukas ko na ikukuwento sa inyo ang mga pralala at sagot ni Papa Manny.
Mga opisyal ng PNP proud sa malaking karangalan na inuwi ni Neil Perez
Ipinagmamalaki ng Philippine National Police ang tagumpay ni PO2 Mariano Flormata, Jr. sa Mister International na idinaos sa South Korea noong Valentine’s Day.
Itinuturing ng mga opisyal ng PNP na malaking karangalan para sa kanilang organisasyon ang title na napanalunan ni Flormata na isinadula noon sa Magpakailanman ang life story.
Naglabas ng official statement ang PNP bilang pagpupugay sa tagumpay ni Flormata na kaklase pala ng pito sa PNP- SAF members na napatay sa Mamasapano massacre noong January 25.
Ito ang pralala ng PNP: “Mister International 2014, PO2 Mariano Flormata brings honor and prestige to the Philippine National Police for his achievement. PNP Spokesperson, Chief Superintendent Generoso R Cerbo Jr. said the whole police force is happy for Flormata’s extraordinary accomplishment.
“Of course we are happy for him. It’s an honor not only for the PNP, but the whole country as well. From the OIC PNP Police Deputy Director General Leonardo A Espina down the line are all proud of his extraordinary accomplishment.” Flormata aka “Neil Perez”, bagged the Mister International 2014 title on Saturday in the pageant night held at Wapop Hall in Seoul, South Korea. Flormata, an Explosives Ordinance Disposal (EOD) technician of the PNP Aviation Security Group said that he is dedicating his title to the 44 members of the PNP-SpecialAction Force killed in a law enforcement operation against “high-value targets” in Mamasapano, Maguindanao. Seven of the deceased SAF troopers were Flormata’s classmates in basic training at the Police National Training Institute in 2008.
“I am offering this fight to them, as I condole with their families,” Flormata said.