Sa story conference ng pelikulang 1 Day Isang Araw ay nalaman ni Niño Muhlach na gagampanan pala nito ang karakter ng isang bading na kukupkop sa mga batang lansangan.
Ngayon ay na-e-excite na siya sa kanyang role at sinabing pag-aaralan na ang kilos ng isang bading.
Ito ang launching movie ng bagong child star na si Alaina Jezl Ocampo at umaasa na sana’y tangkilikin siya ng mga tao. Pangarap niyang makasama si Alonzo Muhlach na anak ni Niño at nagkita na ang dalawa nang ipasyal sila ng prodyuser na sina Jessie at Alona Ocampo sa Tagaytay.
Maganda ang naging bonding ng Inglisero’t Ingliserang mga bagets.
‘‘I like to work with Alonzo. We will surely enjoy the scenes because he is friendly and I like him,’’ sey ni Alaina. Ano ang masasabi ni Niño kay AJ? ‘‘Magtatagumpay siya sa kanyang pangarap dahil gaya ni Alonzo gusto talaga niyang mag-artista. Marunong naman siyang umarte, sumayaw at kumanta’’ sey ni Niño.
Isa pang anak ni Niño papasukin na rin ang showbiz
Mag-aartista na rin ang isa pang anak ni Niño na si Alessandro Martino at sa haba ng pangalan ng bagets, Sandro Muhlach na lang ang ginamit na screen name nito. Malakas ang appeal ng bagets kung saan kasama rin sa 1 Day Isang Araw. Gustung-gusto rin niyang mag-artista.
Tinanong namin si Sandro kung sino ang mas magaling, ang kanyang Papa Niño ba o ang kapatid na si Alonzo?
Sagot ng bagets ‘‘Mas magaling po si Papa at two years old pa lang siya ay magaling nang umarte kaya nagbida sa maraming pelikula. Kaya nga po tinawag si Papa na child wonder.’’
May background na ito sa pag-arte dahil produkto siya ng teatro kung saan lumabas ito sa Batang Basilio. Libangan ni Sandro ang paglalaro ng basketball. May curfew sa pag-uwi ng bahay ang bagets at dapat nasa house na siya ng 7:30 p.m.