Flordeliza mas pinaaga ang time slot

MANILA, Philippines – Simula kahapon, Enero 26, bago na ang time slot ng Twitter-trending family drama series na Flordeliza na pinagbibidahan nina Jolina Magdangal at Marvin Agustin. Umeere na ito tuwing 2:30 ng hapon pagkatapos ng It’s Showtime.

Sa ilalim ng direksyon ng Master Storyteller na si Wenn V. Deramas at ni Tots Sanchez-Mariscal IV, tampok rin sa Flordeliza sina Carlo Aquino, Elizabeth Oropesa, Tetchie Agbayani, at Juan Rodrigo.

Patuloy na tuklasin ang halaga ng pamilya sa Flordeliza araw-araw, tuwing 2:30 ng hapon sa Kapamilya Gold block ng ABS-CBN.

Show comments