Let My Fire Out ang isa sa limang compositions na nagawa ng singer-actress na si Frencheska Farr. Tanong ng mga entertainment press sa pocket interview sa kanya last Sunday, January 25, bakit ganoon ang title ng kanyang single na puwede nang i-download sa iTunes?
“Nang gawin ko po ang song last year, may pinagdaraanan ako, hindi po sa love life,” nakangiting wika ni Frencheska. “Nagkaroon kasi kami ng miscommunication sa family, my dad, my mom and my brother. Parang may kani-kaniya kaming buhay, hindi kami nag-uusap at parang iniisip ko rin na may kasalanan ako dahil for the last four years, hindi ko sila nabigyan ng time, nagkasunud-sunod ang mga ginagawa kong shows, ilang soaps ang nagawa ko, nagkaroon pa ako ng musical play, ang Grease, kaya halos hindi ko sila nakikita at nakakausap. Kaya nang isulat ko ang kantang ito, parang isang journey, like writing a diary, narito ang tunay na nilalaman ng puso ko.”
Ipinapanood ni Frencheska ang music video ng Let My Fire Out shot in a beach in Zambales na Sunday evening ay ini-launch niya in a mini-concert na dinaluhan ng mga kasama sa Sunday All Stars na sina Glaiza de Castro, Aicelle Santos at Rita de Guzman. Masaya na si Frencheska ngayon dahil naayos na ang lahat sa kanila ng kanyang pamilya.
Napapanood ang singer-actress na isang veterinary doctor sa primetime drama series na Second Chances with Jennylyn Mercado. Na-starstruck daw siya kay Jennylyn dahil bukod sa mahusay itong umarte ay napakaganda pa nito. Sa ngayon, ayaw muna niyang gumawa ng musical play.
Manolo sumusumpang hindi magyayabang
From GMA, tumuloy kami sa launch ni Manolo Pedrosa, ang latest celebrity endorser ng BNY. Swak si Manolo as endorser dahil ang Pinoy Big Brother (PBB) All In finalist ay 17 years old kaya hindi nagdalawang-isip na kunin siya ng may-ari ng BNY at pinapirma ng two-year contract sa kanila. Hindi na rin pala bago kay Manolo ang maging commercial model dahil ang mommy niyang si Gi Estela Pedrosa ay dating commercial model at bata pa siya ay nakasama na siya ng mommy niya sa isang TV commercial.
Nag-leave of absence pala si Manolo as a fourth year high school student nang mag-join siya ng PBB. Ngayon ay sumulat siya sa Department of Education kung papayagan siyang kumuha ng tests at ituloy na ang studies niya sa college. Since tapos na raw ang mga college entrance examinations, baka sa Enderun na siya kumuha ng Marketing minor in culinary arts. A varsity basketball player, he will apply for scholarship.
Nang lumabas siya ng PBB, napasali agad si Manolo sa teleseryeng Hawak-Kamay kasama ang isa pang PBB finalist na si Maris Racal.
Mainstay siya ngayon sa Oh My G! with Janella Salvador and Marlo Mortel. Mas comfortable na raw siyang katrabaho si Janella dahil halos araw-araw ang taping nila ng morning teleserye nila.
May ginagawa rin siyang indie film na Stars Vs. Me with Maris Rascal.
Thankful siya sa BNY dahil lahat ng mga isinusuot niyang clothes sa taping at shooting, provided nilang lahat. Soon, magkakaroon ng mall shows si Manolo to promote BNY. May pangako sa sarili si Manolo: “I’ll try my best not to feel like an artista, hindi ako magiging mayabang.”