First time makatrabaho ni Alice Dixson na magkakasabay ang magkakapatid na Padilla na sina Robin, Rommel, at Rustom na kilala na ngayon bilang si BB Gandanghari sa telebisyon.
Magkakasama nga sila sa bagong sitcom ng TV5 na 2 1/2 Daddies.
Sa movies ay never pang nakasama ni Alice sila Binoe at Omeng.
“Never kong nakatrabaho si Robin sa movies. I know that may mga plan noon when we were still at Viva Films, pero nothing materialized.
“I’ve worked with so many leading men noon, pero never si Robin. Even with Rommel. Kaya first time ko to work with them talaga.”
Pero si BB ay ilang beses niyang naging leading man noong Rustom Padilla pa lang ito.
“When BB was still Rustom Padilla, marami kaming nagawang mga movies. We did Hanggang Saan, Hanggang Kailan (1993); Sana Dalawa Ang Puso Ko (1995); The Jessica Alfaro Story (1995); May Isang Pamilya (1999) and Ganito Ako Magmahal (1999).
“Rustom naman kasi was such a nice person. We worked so well together. And he’s like the nicest person to work with. But now, as BB, I can see that she has survived everything, lalo na ‘yung mga nasty rumors sa kanya noon,” sey pa ni Alice.
Hindi ba nailang si Alice sa unang pagkakataon na makatrabaho niya ulit si Rustom na ngayon ay BB Gandanghari na?
“We had a chance naman to work with one another via Enchanted Garden ng TV5. Doon kami unang nagkita ulit at BB Gandanghari na siya.
“Wala namang awkward moment kasi magkaibigan naman kami noong si Rustom pa siya.
“We had a chance naman to have girl talk noong nagte-taping na kami ng 2 1/2 Daddies. At siyempre sa amin na lang iyong mga pinag-uusapan namin,” tawa pa ni Alice.
“It’s very funny story about two men and isang transgender trying to raise a baby na bigla na lang iniwan sa pintuan ng bahay nila. It’s a riot kapag silang magkakapatid ang magkakaeksena. It’s like anything goes with them kaya natural na natural,” pagtatapos pa ni Alice Dixson.
Jeric rumaraket
Habang wala pang bagong teleserye ang Protégé winner na si Jeric Gonzales after ng Strawberry Lane, panay naman ang pag-ensayo niya sa pag-awit dahil sa singing trio nila nina Jak Roberto at Abel Estanislao na 3logy.
Ang 3logy ang umawit ng theme song ng Koreanovela na My Name Is Kim Sam Soon na Maybe It’s You na originally ay inawit ni Jolina Magdangal.
Isa nga sa mga talents ni Jeric ay ang kumanta kaya ngayon ay nagagamit na niya ngayon sa 3logy.
“Nag-start kami para sa promotion ng My Name Is Kim Sam Soon. Akala nila mga foreigners ang kumakanta. Nagulat sila na kami nila Abel at Jak ang 3logy
“Tapos nire-request nga kaming umawit sa mga regional shows ng GMA. Kaya mukhang okey naman pala ang binuo naming trio. Habang wala kaming teleserye pa, rumaraket kami sa pagkanta.
“Ngayon ay sa Sunday All Stars nila kami mapapanood kumakanta parati,” masayang balita pa ni Jeric na isa sa mga bagong endorsers ng fashion retail brand na Boardwalk.
Ganu’n kapangit?! Transformers pinakamaraming nominasyon sa The Razzies
Inaabangan din sa Hollywood ang paglabas ng official nominees ng Golden Raspberry Awards or The Razzies.
Ang The Razzies ang nagbibigay ng award para sa worst film at performances para sa nagdaang taon sa Hollywood.
Pinakamarami ngang nomination na natanggap sa Razzies this year ay ang blockbuster film na Transformers: Age of Extinction. Nakatanggap ito ng pitong nominations including worst picture, worst director (Michael Bay), worst supporting actress (Nicola Peltz), worst supporting actor (Kelsey Grammer), worst screenplay, worst sequel at worst screen combo.
Nakakuha ng tatlo pang worst supporting actor nomination si Kelsey Grammer mula sa pelikulang Legends of Oz, The Expendables 3, and Think Like A Man Too.
Ang iba pang worst picture nominees ay Kirk Cameron’s Saving Christmas. Left Behind, The Legend of Hercules, and Teenage Mutant Ninja Turtles.
Worst Actor nominees naman sina Kirk Cameron (Saving Christmas) at Kellan Lutz (Legend of Hercules).
Since 1980 ay nagbibigay na ang The Razzies ng kanilang awards. The winners of the 35th annual Razzies are selected by online votes from the organization’s 757 members.
They will be announced at Hollywood’s Montalban Theater on February 21, the night before the 87th annual Academy Awards.