Jennylyn hindi umaasang mangongolekta ng award

Napaka-positive ng outlook ni Jennylyn Mercado ngayon at gusto niyang ganito ang maging simula ng kanyang 2015.

Malaking boost nga raw ang pagkapanalo niya bilang best actress sa Metro Manila Film Festival (MMFF) para sa pelikulang English Only, Please at hinuhulaan ngang puwede pa siyang manalo ng ilang awards sa iba’t ibang award-giving bodies.

“Ayokong mag-expect, pero ang sarap kung mangyari nga ang gano’n, ‘di ba?

“Tulad noong MMFF awards night, wala akong inaasahan talaga. Nandoon ako to support our movie at ang MMFF. Tapos naka­kagulat ‘yung manalo ako.

“Kaya mas masarap ang gano’ng feeling. ‘Yung wala akong inaasahan tapos masu-surprise ka. Iba ‘yon,” ngiti pa ni Jen.

Sobrang puno na nga ang schedule ni Jen para sa unang tatlong buwan ng 2015. Bukod sa kanyang bagong pinagbibidahan na primetime teleserye sa GMA-7 na Second Chances, may bagong season ang kanyang cooking show na Sarap With Family sa GMA NewsTV at patuloy ang pag-host niya sa Sunday All Stars.

Magiging busy rin sa training para sa Triathlon si Jen para sa taunang competition nito.

Biniro nga si Jen kung bakit walang nanliligaw sa kanya mula sa grupo ng kanyang triathlon group? Imposibleng walang magkagusto sa kanya sa naturang grupo na karamihan ay mga lalaki.

“Wala, eh. Kasi halos lahat ng mga guys doon ay married na at may mga girlfriend. Kapag training namin nakikita ko mga dyowa nila. Kaya wala akong chance sa kanila at wala rin silang chance sa akin!

“Tsaka rest muna tayo sa ganyan. Ayoko muna dahil may iba tayong priorities.

“Kung may dumating, why not? Basta may maramdaman ako and I feel na it’s time, siguro yun na ‘yon.

“Sa ngayon, wala pa talaga at nae-enjoy ko ang maging mag-isa muna. Oo ako na mag-isa!” natatawang pagtatapos pa ni Jennylyn Mercado.

Kundi sa dahil pagiging ‘panget’ Nadine muntik nang sukuan ang showbiz

Hindi nga malilimutan ng Viva young actress na si Nadine Lustre ang 2014.

Ang naturang taon ang siyang nagbigay ng suwerte sa kanyang career at pati na sa career ng kanyang ka-loveteam na si James Reid.

Kabilang sa top-grossing films ng nakaraang taon ang dalawang pelikulang pinagbidahan nila na Diary Ng Panget at Talk Back And You’re Dead. Parehong best-selling books ito ng Wattpad at produced ito ng kanilang home studio na Viva Films.

Dahil nga sa sumikat ang loveteam nila ni James na JaDine, pinapirma sila ng exclusive contract sa ABS-CBN 2 at agad-agad silang pinagbida sa Wansapanataym episode na My App #Boyfie.

Nagkaroon din sila ng sarili nilang TV show sa Viva Channel na #Jadine kunsaan pinapakita sa kanilang mga fans ang kanilang mga ginagawang mga activities tulad ng taping, shooting at mga mall shows.

Muntik na nga raw siyang mag-give up at handa nang maghanap ng ibang career kung hindi nga maging hit ang Diary Ng Panget.

“Nakakatuwa po at sobra kaming na-bless ni James dahil sa magandang turnout ng Diary Ng Panget. Iyon po ang nagbigay ulit sa akin ng pag-asa na ituloy ko pa ang showbiz.

“Nasabi ko na nga po noon na handa na akong iwan na ang showbiz kung wala pang mangyari. Handa na po akong pasukin ang ibang career.

“Siguro mas mag-concentrate na lang ako sa music. After all, singer naman po ako noong nagsimula ako. Member ako ng Popgirls at nag-enjoy naman ako sa ginagawa namin noon,” sey pa ni Nadine.

Pero dahil nga pumatok ang team-up nila ni James kaya ngayon ay sunud-sunod na blessings ang dumating kay Nadine tulad ng bagong pelikula, TV show at endorsements.

“Malaking bagay ‘yung natanggap nila ang JaDine loveteam. Nagulat din kami ni James na meron na pala kaming fans club.

“Tapos very active pa sila on social media kaya po lalong lumawak ang fan base namin. Kaya malaki ang utang na loob namin sa mga fans. Kasi sila ‘yung mga readers ng Wattpad. Sila ‘yung mga nag-abang sa mga pelikula namin ni James at hanggang ngayon ay nandiyan pa rin sila at sinusuportahan kami.” Nagsimula na nga ang shooting nila Nadine at James ng ikatlo nilang pelikula na Para Sa Hopeless Romantic na sinulat ni Marcelo Santos III. Nasa cast din sina Shy Carlos at AJ Muhlach as Jackie and RJ.

Mula ito sa direksyon ni Andoy Ranay at ang screenplay ay gawa ni Mel Mendoza-del Rosario. Produced ito ng Viva Films at Skylight Films.

Blake Lively at Ryan Reynolds baby girl ang natanggap sa Bagong Taon

Nanganak na ang Hollywood actress na si Blake Lively sa panganay nila ng mister niyang si Ryan Reynolds.

Isang baby girl ang isinilang ng former star ng TV series na Gossip Girl. Nanganak si Blake noong January 5 sa isang ospital sa Weschester, New York kung saan nakatira ang mag-asawa. Wala pang name na ibinibigay sa baby ang mag-asawa.

Ikinasal si Blake sa Hollywood hunk na si Reynolds noong 2012.

“The baby came early but everyone is happy and healthy,” sey ng isang close sa mag-asawa.

Maganda ngang New Year’s gift para sa mag-asawa ang pagdating ng kanilang baby girl. Kahit buntis na buntis na si Blake, hindi pa rin daw ito matigil sa kanyang trabaho promoting her website na Preserve.

Kelan lang ay pinakita niya on social media ang kanyang colorful paintings of bettles sa Instagram.

“Wanted to share a painting I made this year with the incredible @ashleylongshoreart. Best teacher ever! ;) Anyone recognize any of these bugs from anywhere else? (Hint some are also on my couch),” pag-caption pa ni Blake.

Dahil sa pagdating ng baby sa buhay nila, natupad ang longtime dream na ni Blake.

“It’s something that I’ve always wanted ever since I was a little girl.”

Show comments