Nagpapasalamat nga ang award-winning actress na si Cherry Pie Picache dahil maayos naman daw ang takbo ng kaso na isinampa nila sa lalaking nagngangalang Michael Flores, ang pangunahing akusado sa pagpatay sa kanyang inang si Mrs. Zenaida Sison.
Umanin naman daw ang naturang akusado na siya lang mag-isa ang gumawa ng karumal-dumal na krimen sa ina ng aktres.
“We’re very thankful that the Quezon City authorities had been very helpful.
“The way the trial is moving, it’s very fast. That’s our ultimate justice, for him to be convicted as soon as possible,” sey pa ni Cherry Pie sa kanyang statement sa media.
Naging malungkot nga raw ang pamilya nila dahil sa biglang pagkawala ng kanilang ina, ilang buwan bago sumapit ang Pasko at Bagong Taon.
Nakasanayan na raw kasi nila na ang kanilang ina ang nagluluto tuwing Noche Buena at Medya Noche.
Kaya sila-silang magkapatid ang nagsama-sama noong nakaraang Pasko at ngayong New Year.
“It’s a really difficult time for us. So, we spend Christmas here in Manila and then how we always spend it for New Year, which is in Subic,” sey pa ng aktres.
Naatasan nga si Cherry Pie na ituloy ang tradisyon ng specialty dish ng kanilang pamilya. Ito ay ang Chicken Galantina.
“Actually, three years ko nang ginagawa ito. I’ve taken on the tradition of cooking our chicken galantina.
“So ngayon, they’re all telling me, ‘Pie, please cook chicken galantina because Mama will always cook it.’ Yung secret recipe, ako ang nagmana,” ngiti pa niya.
Sa kabila nga ng naging trahedya sa pamilya nila, nagawa pa rin ni Cherry Pie ang magtrabaho at nagpapasalamat ito na isa sa top-grossers ng 2014 Metro Manila Film Festival (MMFF) ang pelikula kung saan kasama siya sa Feng Shui 2.
“God has been so good. There has been so much blessing.
“And so like now, I’m trying to go out, I’m trying to socialize with friends. Kasi ‘pag hindi talagang nakakalungkot,” pagtatapos pa ni Cherry Pie Picache.
Sabrina aminadong pang-kontrabida ang hitsura
Nakilala ang child actress na si Sabrina Man bilang batang Katrina Halili sa Darna kung saan bida si Marian Rivera.
Napanood din siya sa ilang GMA teleserye tulad ng Luna Mystika, Ina Kasusuklaman Ba Kita?, Blusang Itim, Bantatay, Alice Bungisngis, at Panday Kids. Nakasama rin siya sa kiddie show na Tropang Potchi.
Ngayon ay 14 years old na si Sabrina at siya ang pangunahing kontrabida ni Bianca Umali sa bagong primetime series ng Kapuso network na Once Upon A Kiss.
Okey nga lang daw kay Sabrina na magkontrabida na siya dahil marami naman daw ang nagsasabi na ang beauty niya ay pangkontrabida.
“Saka ‘yung mga mata ko po, singkit na patulis sa dulo kaya pangkontrabida raw po,” ngiti pa ni Sabrina.
Aapihin nga raw niya si Bianca sa Once Upon A Kiss dahil may gusto siya sa leading man nitong si Miguel Tanfelix.
Magkaibigan naman daw sila ni Bianca dahil matagal silang nagkasama sa Tropang Potchi.
“Trabaho lang naman po ito at alam naman ni Bianca na aarte lang kami. Bago ko naman siya tarayan, may rehearsal naman po tapos after ng eksena, nagtatawanan na lang kami,” pagtatapos pa ni Sabrina Man.
Jennifer Lawrence nanguna sa pinakamalaking kumita sa Hollywood
Inilabas nga ng Forbes magazine ang list ng mga highest-grossing Hollywood actors for 2014.
Ito ang mga celebrities na nagkaroon ng malaking kita sa box-office dahil sa kanilang mga blockbuster films based on Box-Office Mojo.
Nanguna sa listahan si Jennifer Lawrence na nagbida sa dalawang pelikula na The Hunger Games: Mockingjay Part 1 at X-Men: Days of the Future Past. Kumita ito pareho ng higit na $1.4 billion worldwide.
Pumapangalawa si Chris Pratt na bida sa mga pelikulang Guardians of the Galaxy at The Lego Movie. Kumita ito ng $1.2 billion globally.
Pangatlo si Scarlett Johansson na kumita ang kanyang mga pelikulang Captain America: The Winter Soldier, Lucy, at Under The Skin ng $1.18 billion worldwide.
Pang-apat si Mark Wahlberg na may kita ang pelikula niyang Transformers: Age of Extinction na $1 billion worldwide at ang kaka-release lang na pelikula niyang The Gambler na kumita ng $5 million noong magbukas ito last December 25.
Si Chris Evans ang pang-lima with $801 million globally dahil sa mga pelikulang Captain America: The Winter Soldier at Snowpiercer kung saan siya pareho ang bida.
Nasa sixth spot naman si Emma Stone na may tatlong pelikulang nilabasan (The Amazing Spider-Man 2, Birdman and Magic Moonlight) na kumita na ng higit sa $764 million worldwide.
Pangpito si Angelina Jolie na nagbida sa Maleficent at kinita nito worldwide ay $758 million.
Nasa 8th, 9th and 10th position naman ang mga bida ng X-Men: Days of the Future Past na sina James McAvoy, Michael Fassbender, at Hugh Jackman na may $746 million worldwide na kita.