Maiintindihan namin kung bakit hindi na nag-join ng 40th Metro Manila Film Festival (MMFF) Parade of Stars last Tuesday ang bride-to-be na si Marian Rivera. Time for her beauty rest na rin ang actress para sa upcoming wedding nila ni Dingdong Dantes on December 30 sa Cathedral of the Immaculate Concepcion sa Cubao, Quezon City.
May mga artistang nagpilit humabol sa parade like si Dingdong na para hindi mahuli sa oras na 1:00 p.m. na sinabi ni MMDA Chairman and Over-All MMFF Chairman Francis Tolentino na magsisimula ang parade, nag-motor siya papunta sa point of assembly sa may Aseana City in Parañaque City. Pero ang dalawang leading ladies ng Shake, Rattle & Roll XV na sina Lovi Poe at Carla Abellana ay hindi dumating, ganoon din si Dennis Trillo. Humabol din si Vice Ganda at nakisakay siya sa MMDA Patrol car. Ang star-studded float ay ang My Big Bossing at mabuti nakahabol din sina Derek Ramsay at Jennylyn Mercado para sa English Only, Please. Hindi kami magtataka kung muling mananalo ng Best Float ang Muslim Magnum .357 ni Jorge Estregan. Kinagabihan ay nag-premiere night ang movie na dinirek ni Jun Posadas. Totoo bang punum-puno ang theatre at walang naupuan ang mga inimbitang entertainment press?
Manilyn at Keempee parang wala lang ang naging relasyon
Sabay naming nakausap sina Manilyn Reynes at Keempee de Leon sa grand launch ng bagong fairy tale romantic-comedy na Once Upon a Kiss. Natanong namin kung bakit tumanggi si Keempee noon na maging love triangle sila ni Janno Gibbs sa My BFF telefantasiya, dahil ba may nakaraan silang tatlo at hindi pa rin matanggap ni Keempee ang nangyari sa kanilang relasyon ni Manilyn na mas pinili si Janno kaysa kanya? Hindi raw naman siya tumanggi, sabi ni Keempee, nagkaroon lang daw ng hindi pagkakaintindihan sa schedule kaya hindi siya natuloy.
“Saka hindi naman nagtagal ang relasyon namin ni Keempee noong magkakasama kami sa That’s Entertainment,” sabi ni Manilyn. “Four months lamang kami dahil lagi kaming away-bati, siguro dahil mga bata pa kami pareho noon. Saka ngayon lamang kami magkakatambal talaga ni Keempee sa isang soap, lagi lamang kaming nagdu-duet noon sa mga live shows at TV shows. Si Janno talaga ang nakatambal ko sa mga movies na ginawa namin sa Regal Films. At ngayon, willing na kami ni Keempee na maging nanay at tatay ng mga teen love teams tulad nina Miguel Tanfelix at Bianca Umali. Ang eldest ko, si Kyle is already 18, si Miguel is 16, at si Bianca ay 14.” dugtong ni Manilyn.
“My daughter Sam is also 18 years old now at kasama namin siya sa Christmas vacation namin ng family sa Singapore. Uuwi siya rito from the States,” sabi ni Keempee. “Happy ako na after My Husband’s Lover, ang ibinigay naman sa akin ng GMA ay father ako ni Bianca sa Once Upon a Kiss. At kahit hindi ako magtatagal sa story, nakita ko kung gaano ka-sensitive umarte sina Miguel at Bianca, ganoon din ang chemistry nila sa screen.” pagtatapos ni Keempee.
Magsisimula nang mapanood ang Once Upon a Kiss, na opening salvo ng GMA-7, sa Monday, January 5, sa direksyon ni Bb. Joyce Bernal, after ng 24 Oras.