Kumpleto ang Christmas ni AiAi Delas Alas dahil umuwi sa Pilipinas ang kanyang mga US-based na anak, sina Nicolo at Sophia.
Ang Christmas vacation sa Pilipinas ng kanyang mga anak ang isa sa mga dahilan kaya nag-goodbye si AiAi sa social media. Ayaw ni AiAi na naaapektuhan ng mga basher ang mga anak niya na ipinagtatanggol siya sa mga umaapi sa kanya sa social media.
Number one defender ni AiAi ang only daughter na si Sophia na hindi inuurungan ang mga basher ng nanay niya. Namana yata ni Sophia ang ugali ng kanyang ama na si Miguel Vera na palaban at hindi pumapayag na maapi.
Vilma mahal ng maraming artista, hindi na naningil ng TF sa ginanap na VSR
Sina AiAi, Arnell Ignacio, Cesar Montano, at Luis Manzano ang mga host ng grand finals ng Voices, Sounds & Rhythms, ang singing contest ng Batangas province na project ni Governor Vilma Santos-Recto.
Ginanap noong Thursday night ang grand finals sa Taal, Batangas at sobra-sobra ang pasasalamat ni Mama Vi sa mga host dahil hindi sila naningil ng talent fee. For the love of Mama Vi ang pagpayag ng mga artista na maging bahagi ng VSR dahil sa kanilang pagmamahal at mataas na respeto sa Star for All Seasons.
tulad ni Kuya Ron, Robin LOVE na LOVE ng mga kapatid nating Muslim
Kagabi ang red carpet premiere sa SM Megamall Cinema ng Bonifacio, Ang Unang Pangulo, ang pelikula ni Robin Padilla na kalahok sa Metro Manila Film Festival (MMFF).
Inspired na inspired ang cast ng Bonifacio sa promo ng kanilang pelikula dahil Graded A ito ng Cinema Evaluation Board (CEB).
Full support kay Robin ang Muslim community na hindi nawawala sa kanyang mga event.
Kung panonoorin ng lahat ng mga Muslim ang pelikula ni Robin, sure hit na ang Bonifacio at hindi malabo na ito ang maging number one movie sa Mindanao.
Hindi nagsasawa ang mga kapatid natin na Muslim sa pagsuporta sa mga pelikula at TV show ni Robin dahil buo rin ang suporta sa kanila ng actor na tumanggi na tanggapin ang title ng Action Movie King.
Para kay Robin, si Fernando Poe, Jr. pa rin ang nag-iisa at hindi na puwedeng palitan bilang King of Philippine Movies.
Gaya ni Robin, mahal na mahal ng mga kababayan natin sa Mindanao si FPJ aka Kuya Ron.
Nang kumandidato bilang pangulo si Kuya Ron noong 2004, landslide ang tagumpay niya sa Mindanao. Nahirapan ang mga mandaraya na doktorin ang resulta ng mga boto kay Kuya Ron sa Mindanao dahil sa laki ng agwat niya sa kanyang mga kalaban.
O ‘di ba, tungkol sa Bonifacio ang topic ko pero biglang naging throwback ang column item ko?
Kahit ten years nang dead si Kuya Ron, hot topic pa rin siya at marami ang nagbabasa kapag siya ang subject ng mga article.
Susan Roces hindi pa rin nakalilimot sa aming entertainment press
Maraming salamat kay Manang Inday aka Susan Roces dahil sa Christmas gift na ipinadala niya sa akin.
Never na nakalimot si Manang Inday sa kanyang mga kaibigan at siyempre, kasali ako sa listahan niya.
Noong nabubuhay pa si Kuya Ron, hindi sila nakakalimot ni Manang Inday na magpadala ng isang sakong bigas sa entertainment press.