Nakita namin sa trailer ang grand finale ng Feng Shui 2 na mala-Bourne Legacy ang eksena ng pagtakas nina Kris Aquino at Coco Martin sa bagsik ng bagua, na ginawa sa San Andres, Malate, Manila. Sa kanyang Kris TV show, nagpasalamat si Kris kay Manila Vice Mayor Isko Moreno at sa mga tao sa suporta at kooperasyon sa kanila habang nagsu-shooting under Chito Roño dahil umaga na, ay nagsu-shooting pa sila ng entry ng Star Cinema sa nalalapit na Metro Manila Film Festival (MMFF) simula sa December 25. Ayon kay Kris, nawala raw ang pagkalampa niya sa pagtakbo dahil inalalayan siya ni Coco.
Itinuring na pinakamalakas na horror film ang Feng Shui na kumita sa box-office ng P100-M nang ipalabas ito noong 2004, kahit ang uso noon ay mga pelikulang drama, comedy, at love stories. At hindi makakalimutan ang nilikha nilang character na si Lotus Feet na kinatatakutan ng mga manonood. After ten years, ngayon lamang muling pumayag si Direk Chito na gumawa ng sequel ng Feng Shui na tampok pa rin si Kris at si Lotus Feet.
Nag-imbita si Kris sa 4D cinema sa SM Mall of Asia na panoorin ang Feng Shui dahil sila ang unang pelikulang ipalalabas doon sa pagbubukas ng 4D cinema sa December 25.
Kliyente ni Atty. Persida Acosta puwedeng mag-artista
Sampalataya pala si Chief Public Attorney Officer Persida Acosta sa mga entertainment press dahil napakalakas daw ng panulat nila. Sa isang lunch with the entertainment press, ipinahayag ito ni PAO Chief Acosta at nagpasalamat siya dahil iyong isang malaking kasong hinawakan ng kanyang opisina na humingi rin siya ng tulong sa kanila ay hindi nagtagal at nalutas. Biro niya, malamang daw nagbabasa ng entertainment pages at hindi ng front page ng dyaryo ang mga judges kaya nabigyan agad ng solusyon ang kaso. Pero bago nakiusap muli si Atty. Persida sa mga press pinakinggan muna before lunch ang pag-awit ng ilang songs ng anak niyang si Kayla na pwedeng sumali sa mga singing contest.
Apat na malalaking kaso ang nilulutas ngayon ng kanyang ahensiya, pero ang mas hiningi ng tulong sa press ni Atty. Persida ay ang kaso ni First Class Cadet Aldrin Jeff P. Cudia, represented by his father Renato Cudia. Celebrated case ito nang hindi pinayagang maka-graduate si Aldrin sa Philippine Military Academy dahil daw sa ilang pagkukulang niya sa kanyang mga credentials. Masakit sa mga magulang ni Aldrin na hindi alam kung ano ang magiging future ng kanilang anak dahil nakatali siya sa rules ng PMA.
Biro na lamang ng mga entertainment press na nangakong isusulat ang plight ni Aldrin, na ayaw daw ba niyang pasukin ang showbiz dahil guwapo naman ito. Pero nanindigan si Aldrin na gusto niyang tapusin ang pag-aaral para matulungan ang pamilya niya. Ayon naman sa parents niya, susuportahan nila anuman ang laban ng anak, dahil hindi lamang nila laban ito kundi laban din ng ibang mga magulang at mga anak na pwedeng makaranas ng pinagdaraanan nila ngayon. Nasa Supreme Court na ang kaso at sila na lamang ang puwedeng tumapos sa paghihirap ni Aldrin at ng kanyang mga magulang.