Vice Ganda parang hindi alam na babangga sa pader

MANILA, Philippines – Kung totoo ang sinabi ni Vice Ganda na kaya niyang talbugan si Vic Sotto ngayong Metro Manila Film Festival (MMFF), marahil ay nalulunod na siya sa sigawan at palakpakan ng mga tagahanga raw!

Hindi ba niya alam na pader ang binabangga niya? Malakas daw masyado ang loob at paniniwala ng dating star sa comedy bar. Wait and see na lang daw pagdating ng labanan.

Sef sideline lang ang pagiging bading

Sa taping ng Bubble Gang, naikwento ni Sef Cada­yona na Best New Male Comedian ng Philippine Movie Press Club (PMPC) na idol niya si Dolphy noon pa man. Paulit-ulit daw niyang pinapanood ang Tatay Kong Nanay at Fafita Poponggay.

Ginagaya raw niya ang acting ni Dolphy. Kaya naman pala simple lang kung umarteng bading itong si Sef sa Bubble Gang. Aminado si Sef na kahit nagbabakla-baklaan siya, ayaw naman niyang maging full pledge gay. “Nag-iisang anak po ako. Ayaw kong maging bakla!” sabi ni Sef na laki sa lola na taga-Laguna. Bata pa ay iniwan na sila ng kanyang ama.

Noong sumali si Sef StarStruck sinawimpalad ito at si Steven Silva ang nagwagi ng titulo. Pero tipong natalbugan pa niya ang kasikatan nito.

Kita ng MMFF kinukuwestiyon kung saan napupunta

May mga nagtatanong kung saan daw ba napupunta ang kinikitang milyones ng MMFF tuwing ginaganap ito tuwing Pasko? Ano’ng profit daw ba ang kinikita ng mga producers dito?                                                    

Show comments