MANILA, Philippines – Isisiwalat ni Julius Babao sa Bistado, ngayong Lunes (Disyembre 8) ang modus operandi ng online hackers na nagpapanggap na kamag-anak at nanggagantso ng malaking halaga ng pera sa mga nais magtrabaho sa ibang bansa.
Tampok sa episode ang testimonya ni Peter na nangarap lamang ng mas magandang buhay bilang Overseas Filipino Worker sa Canada para sa kanyang pamilya. Ngunit imbes na kaginhawaan sa buhay, kalbaryo ang dinanas niya dahil aabot sa P260,000 ang tinangay sa kanya ng nagpanggap niyang tiyahin. Sa Facebook niya nakausap ang nagpakilalang kamag-anak na nangako ng tulong sa pagkuha niya ng working visa.
Huli na nang matuklasan niyang hacker pala ito.
Antabayanan ang tips ni Julius kung paano makakaiwas sa matitinik na hacker upang hindi na maulit sa iba ang sinapit ni Peter.
Huwag palampasin ang Bistado ngayong Lunes (Dis 8), 4:30pm sa ABS-CBN Kapamilya Gold.