MANILA, Philippines – Kim Chiu natalo sina Bea Alonzo, Maricel Soriano, at Angel Locsin at Lovi Poe? Pana-panahon naman kasi ang kapalaran ng mga artista. Kung sikat sila noon, may bago na ngayon. Dapat kay Kim ‘wag pinapansin ang bashers, nalalagay tuloy siya sa alanganin. Maraming bashers, at mahirap silang labanan. Napapatay nga nila ang isang tao kahit buhay na buhay. Tulad na lang ni Jose Manalo, dead na raw pero nasa sugod bahay pa rin.
Anyway, mahihirapan na muling magtambal sina Kim at Xian Lim, pagkaraang magpakita ng tamlay sa takilya ang tambalan nila sa pelikulang Past Tense. Kung bakit naman kasi ang bagal manligaw ni Xian kay Kim. Pulos na lang kilig-kiligan lang. Baka maunahan ka pa ni Coco Martin na panay ang text kay Kim, nagtatanong kung kumain na ba siya o anong ginagawa niya ngayon? Sa totoo lang, nakaka-develop ng feeling ang ganitong attitude, kaya’t konting kilos Xian, baka maunahan ka ni Coco.
Isa pang hindi mo maintindihan, kung sila ba ngayon o hindi sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo. Wala pa ring inaamin ang magkababayang taga-Nueva Ecija ito. Rich family sa Cabanatuan sina Kathryn at hindi puwedeng pumapel na gustung-gusto niya ang isang lalaki. Baka mamaya, bigla na lang si Jasmine Curtis na may-ari ng puso ni Daniel, Hala ka!
Direk Arlyn naaliw mag-direk
Nakakatuwa ang magdirek. Ito ang nasabi ng baguhang director na si Arlyn dela Cruz ng Maratabat, na ipapalabas sa December 17. Si Arlyn ay lady journalist at broadcaster.
Excited daw siya a day before ng pagharap sa press kaya nagpaayos pa ng hair at nagpakulay pa. Kaso may mga pumunang nagmukha siyang matanda. Nag-panic daw si Direk, kaagad niyang ibinalik ang black hair.
Malaki ang pasasalamat niya sa true friends niya at kahit paano nagsabi ng totoo. Tampok sa Maratabat sina Beth Oropesa, Julio Diaz, Richard Quan, at Ping Medina, bilang mga lead sa istorya. Istorya ito ng mga taga-Maguindanao.