Dream pala ni Carmina Villaroel na makasama sa isang project ang mahusay na drama actor na si John Lloyd Cruz. At hindi naman malayo dahil pareho na silang Kapamilya. Kaya natuwa si Carmina nang i-offer sa kanya ng ABS-CBN ang teleseryeng Bridges na makakasama niya si John Lloyd with Jericho Rosales, Maja Salvador, at Edu Manzano. Looking forward na raw siyang makaeksena si Lloydie kaya nanghinayang siya nang malamang hindi na pala tuloy ang actor dahil hindi pa ito nagri-renew ng contract sa network. Pero okey lang daw, nalungkot lamang siya.
Si Xian Lim ang pumalit kay John Lloyd kaya kinumusta si Carmina sa bagong katrabahong young actor. Wala pa raw naman siyang masasabi dahil once pa lamang siyang nag-taping at hindi pa niya nakaeksena si Xian. Pero nakita raw niyang Xian is trying his best at napaka-hardworking naman ng young actor. Ayaw sabihin ni Carmina kung ano ang role niya, basta ang sigurado niya, hindi siya kontrabida sa kanilang teleserye na by January, 2015 pa mapapanood.
Hilary Swank nagpaiyak sa sakit na ALS
Naalaala pa ba ninyo ang ice bucket challenge ng mga celebrities around the world bilang pagsuporta sa mga taong may Amyotrophic Lateral Sclerosis (ALS)? Isa itong rare progressive degenerative fatal disease na apektado ang motor neurons, kasama na ang muscular weakness, kahit ang pagsasalita ng tao ay apektado rin. Iniyakan namin ang pagpanood ng You’re Not You sa VIP screening nito. Oscar award-winning actress Hilary Swank played the role of Kate, isang classical pianist diagnosed with ALS. Huminto na siya sa pagtugtog ng piano, pagkatapos ang one year and a half, hindi na rin siya makalakad at hindi na rin maunawaan ang mga sinasabi niya.
Naging caregiver ni Kate si Bec (Emmy Russum), a college student na walang direksyon ang buhay. Kahit walang experience bilang isang caregiver, nag-apply sa trabaho si Bec at tinanggap naman siya ni Kate. Sa pagsasama nila, natutunan ng dalawang babae na kumuha ng lakas sa isa’t isa at nakabuo sila ng isang naiibang pagkakaibigan. Lalo pa at iniwanan si Kate ng asawang si Evan (Josh Duhamel), na hindi makayang tingnan ang nangyayari sa asawa. Ang You’re Not You ay sinulat ni Michelle Wildgen and directed by George C. Wolfe. Napakahusay ng portrayal nina Hilary at Emmy ng kani-kanilang role. Kasama pa rin sa cast sina Frances Fisher ang supportive mother ni Kate at si Marcia Gay Harden, ang malditang ina ni Bec. Mapapanood na ang You’re Not You simula sa November 26 in selected theatres nationwide.
Maraming bagets, relate na relate kina Mark at Shaira Mae
Nakaka-relate talaga ang mga teen viewers ng Wattpad Presents ng TV5 kaya nakatanggap ng maraming requests ang Happy Network na muling ibalik ang team-up nina Mark Neumann at Shaira Mae dela Cruz sa Mr. Popular Meets Ms. Nobody Book 2. Tampok din si Yassi Pressman, kasama sina Perla Bautista, Diego Loyzaga, Pam Mendiola, Donnalyn Bartolome, Bryan Oano, at Prince Justine Navarro. Mapapanood ito Mondays to Fridays, at 9:30 p.m. pagkatapos ng The Amazing Race Philippines 2.