Belated happy birthday kay AiAi delas Alas. Kahapon ang birthday ni AiAi na wala nang mahihiling pa dahil ibinigay ng Diyos ang lahat ng pangarap niya sa buhay.
Good karma si AiAi dahil mabuting tao siya. Kung ano ang ugali niya noong nagsisimula siya sa showbiz, ganoon pa rin si AiAi as in hindi ito nagbago.
Wish ko lang, matagpuan na ni AiAi ang mhin na magmamahal sa kanya ng wagas at huwag nang maulit ang 29 days lamang na pagsasama nila ng ex-husband niya.
Ang sey nga ni AiAi, ma-experience niya sana ang 29 years na relasyon. Why not?
Mukhang compatible na compatible sila ng kanyang current boyfriend kesehodang malaki ang kanilang age gap.
Para kay AiAi, walang edad na pinipili ang tunay na pagmamahal dahil mas mahalaga na nagkakaintindihan sila ng kanyang karelasyon.
Panganay nina Elvis at Alexa higit 50 ang mga ninong at ninang
Star-studded ang dedication para kay Aria, ang panganay na anak nina Elvis Gutierrez at Alexa Uichico dahil who’s who sa pulitika at showbiz ang kanyang mga ninong at ninang.
Mga ninong ni Aria sina Ogie Alcasid, James Yap, Tonton Gutierrez, Eric Quizon, TJ Trinidad, si former Ilocos Sur Governor Chavit Singson, at siyempre, ang kanyang Tito Richard Gutierrez.
Mga ninang naman sina Senator Grace Poe, Lorna Tolentino, Regine Velasquez, Ruffa Gutierrez, Pops Fernandez, Bubbles Paraiso, at Malou Fagar.
Sa totoo lang, more than 50 ang godparents ng masuwerteng bata pero hindi ko na isinulat ang pangalan ng ibang mga ninong at ninang dahil magkukulang sa space.
Magaganap sa linggong ito ang dedication para kay Aria sa isang hotel somewhere out there. Hindi ko na sasabihin kung saan para hindi mapuntahan ng mga gaka.
Tiyak na mapapanood sa It Takes Gutz to be a Gutierrez ang star-studded dedication para kay Aria na katulad ng nangyari sa binyag at birthday celebration ni Zion noong May 2014.
Abangan natin kung may drama na magaganap sa binyag ng pinakabagong apo nina Annabelle Rama at Eddie Gutierrez.
Raymond ibinulgar na si Elvis ang paboritong anak ng Mommy Annabelle
Naging child actor noong araw si Elvis at ang kanyang kapatid na si Raymond ang nagsabi sa mga reporter na siya ang paboritong anak ni Annabelle.
Napangiti lang si Bisaya nang malaman nito ang pahayag ni Raymond. Ang alam kasi ng lahat, si Richard ang favorite son ni Annabelle hanggang ibulgar ni Raymond na si Elvis ang favorite son.
Salamat sa Manuka from Russia..
Maraming salamat kay Jake Tordesillas at sa direktor na si Maryo J. Delos Reyes dahil sa manuka from Russia na pasalubong nila sa akin.
Nagkita kami kahapon at nag-lunch sa isang restaurant sa Quezon City. Kasama namin sa lunch date sina Senedy Que at June Rufino.
Sobrang guilty ang pakiramdam ko dahil hindi ko nabalitaan na namatay ang nanay ni Papa Jake. Kung nalaman ko ang sad news, siguradong pupunta ako para personal na makiramay sa kanya.
Niyaya ko na lang si Papa Jake at si Kuya Mario na mag-lunch date kami para makabawi ako. Nailibing na ang nanay ni Papa Jake nang may magkuwento sa akin tungkol sa nangyari sa mommy dearest niya.