Kahit maganda, pre-nup photos nina Heart at Chiz ‘di pa rin nakaligtas sa mga manlalait

Ang gaganda ng pre-nuptials photos nina Heart Evangelista at Senator Chiz Escudero na kuha sa bayan nito sa Sorsogon.

Inilabas ni Heart ang pre-nuptials photos sa kanyang social media account at nakatanggap ito ng mga papuri. Very politician’s wife si Heart sa isang litrato nila ni Papa Chiz, kasama ang bagets constituents sa Sorsogon ng kanyang future husband.

‘Yung iba naman, pinairal ang pagi­ging nega dahil nilait nila ang mga picture nina Heart at Papa Chiz.

Hindi na nagpapaapekto ang dalawa sa kanilang mga basher. Tanggap na nila na may mga tao na hindi matatanggap ang kanilang pagpapakasal sa February 2015.

Lovi at Solenn bawal maging malaswa sa bridal shower ni Heart

Punong-abala sina Lovi Poe at Solenn Heussaff sa bridal shower para kay Heart.

Mahigpit ang bilin ni Heart sa kanyang mga kaibigan na ayaw niya ng bridal shower na malaswa kaya hiningi nina Lovi at Solenn ang mga suggestion ng kanilang mga kakilala.

So far, may idea na nakuha si Lovi mula sa kanyang mga nakausap na reporter. Hiniling niya sa mga reporter na huwag isulat ang idea para hindi ito malaman ni Heart.

Dalawa lamang sina Lovi at Solenn sa mga abay sa nalalapit na pag-iisang dibdib nina Heart at Papa Chiz.

Aktor na nangangamoy ‘malansa’ pinagtatawanan dahil sa OA na acting

Nilalait ang aktor dahil sa kanyang trying very hard acting sa isang pelikula na hindi ko sasabihin ang pamagat.

Halatang-halata ng mga nanood ang matinding effort ng aktor na sapawan ang kanyang co-stars.

Pinagtawanan ang aktor dahil sa kanyang trying hard na pagpa­patawa at hindi dahil sa mga punch line niya.

Matagal nang OA ang aktor at nagsimula ito noong mag-umpisa ang kanyang showbiz career. Siya ang tipo ng aktor na umaakting kahit walang mga TV camera na naka­tutok. May acting ang kanyang bawat kilos at pagsasalita kaya napagdududahan ang sexual prefe­rence niya.

Hindi ako magbibigay ng clue pero sure na sure ako na alam ni Mama Salve ang aktor na tinutukoy ko.

Roxanne at Deniece lantaran na ang sabay na ‘paggimik’

Biktima ng panlalait si Roxanne Ca­bañero at Deniece Cornejo na na-sight na magkasama sa isang birthday party.

Kung mababasa ng dalawa ang mga com­ment laban sa kanila, tiyak na maloloka sila at imposibleng hindi masaktan.

Matitindi ang mga paratang at paghuhusga kina Roxanne at Deniece na kapwa nagreklamo noon ng rape laban kay Vhong Navarro pero parehong ibinasura ang mga kaso.

Base sa mga picture na nakita, hindi maitatanggi na affected si Deniece ng ilang buwan na pagkakakulong niya sa Camp Crame. Malungkot ang kanyang mga mata at hindi positive ang aura niya.

Cedric good boy na nga ba?!

Wala nang balita tungkol kay Cedric Lee mula nang payagan siya ng korte na magpiyansa para sa demanda sa kanya ni Vhong Navarro.

Baka pinakinggan ni Cedric ang payo ng isang matalik na kaibigan niya na tigilan na ang pagpapainterbyu at pagpapa­tutsada laban kay Vhong.

Puwede rin na iniukol ni Cedric ang kanyang buong panahon sa pamilya niya. May nagsabi sa akin na maayos at maganda na uli ang relasyon ni Cedric sa kanyang legal wife.

Show comments