Bukod sa sobrang bisi ni Marvin Agustin sa pagpo-promote ng comedy movie nilang Moron 5.2 The Transformation, excited din siya sa ginagawa niyang Flordeliza kasama si Jolina Magdangal sa ABS-CBN. Magda-drama naman siya sa bagong serye kasama ang dating ka-loveteam na si Jolens. Masipag mag-post si Marvin para i-update ang kanilang fans sa muli nilang pagsasama.
May time rin si Marvin para maghanda sa Celebrity Chef Food Truck Cook-Off na gaganapin sa SM MOA Open Grounds sa November 21, Friday.
Thankful si Marvin sa blessings na dumarating sa kanya at bina-balance niya ang kanyang time para sa kanyang kambal na anak at pagkakaroon ng good health.
Sine, Laging Kasama kapupulutan ng maraming aral sa pelikula
Wish ko lang, maipalabas uli ang Sine, Laging Kasama at sana sa mas maagang oras o Saturday timeslot kung saan puwedeng magpuyat at puwedeng mapanood ng mga estudyante dahil para ka nang nag-aral ng Philippine Cinema. Dapat din isalin ito sa VCD o DVD para magamit ng mga school o universities sa kanilang mga klase. Marami kasing mapupulot ang mga mag-aaral sa mahusay na dokumentaryo ng Cinema One.
Inspiring ang mga kuwento nina ABS-CBN President Charo Santos-Concio, channel head ng Cinema One Ronald Arguelles, mga direktor tulad nina Wenn Deramas, Chris Martinez, Erik Matti, Bb. Joyce Bernal, at marami pang iba kung paano naging bahagi at humubog sa kanilang mga personal na karanasan at tagumpay ang mayamang sining ng industriya ng pelikula.
Katuwa nga ang kuwento ni Ms. Charo na nu’ng bata raw sila ay bawal silang magbasa ng komiks sa kanilang bahay. Kaya ang ginagawa niya ay itinatago niya ang komiks at may flashlight sa ilalim ng unan niya. Kapag tulog na raw ang mga magulang niya ay saka sila nagbabasa ng komiks. Ninanamnam daw niya lahat ng kuwento sa komiks.
May kuwento rin si Direk Joyce na nagsimula bilang film editor sa Viva Films. Gusto raw niya ‘yung mga character na panget o out of this world ang hitsura pero may utak tulad ng Kimmy Dora kung saan isa siya sa mga producer. ‘Yung tipong katulad din daw niyang hindi maganda, pero matalino.
Marami pang nakaaaliw na kuwento ang napapaloob sa dokyu na ito na dapat lang mapanood ng mga kabataan ngayon para malaman kung gaano ka-productive ang mga tao noon.