Nag-audition pala si Buboy Villar para sa role bilang batang Manny Pacquiao sa pelikulang Kid Kulafu na idinirek ni Paul Soriano.
Nagtiyaga raw siya at nakailang beses na nagpabalik-balik sa pag-audition. Ayon kay Buboy “sa awa ng Diyos” ay napili naman siya.
Kaya sobrang saya ng binatilyo na finally, sa rami raw ng mga nag-audition ay siya ang napili. Sa una, sobra raw siyang kinabahan kaya nagpraktis siya nang mabuti ng kanyang mga line lalo na ang pananalita ni Pacman.
Siniguro raw ni Direk Paul kung paano siya magsalita, mag-boxing, at kumanta na tulad ng kay Pacquaio. Hindi naman mahirap kay Buboy na magsalita ng Bisaya dahil isa siyang Cebuano. Honored daw siya na gampanan ang character ni Manny noong kabataan pa nito.
Pinag-training pa siya ni Direk Paul at pina-solid ang body built niya. Na-meet daw niya si Manny sa General Santos kung saan sila nag-dinner at in-encourage pa raw siya ni Manny gawin ang lahat sa role niya. Pati mannerisms at pagsasalita ng Pambasang Kamao ay inaral ni Buboy.
Tuwang-tuwa rin si Buboy kay Direk Paul dahil napakagaling daw nito at matiyagang nag-explain sa kanya kung ano ang gagawin niya sa movie. Napakapasensyoso raw ni Direk Paul at lahat ng bagay ay binubusisi nito. Humanga rin si Buboy kay Alessandra de Rossi na gumaganap na Aling Dionisia na nagaya raw nito pati ang aliw factor ng nanay ni Pacman.
Saludo rin si Buboy kay Cesar Montano na gumanap na Kid Kulafu. Ang dami raw niyang natutunan kay Cesar na idol na niya sa husay nitong umarte.
Okey lang kay Buboy kung hindi makapasok ang pelikula nila sa darating na Metro Manila Film Festival (MMFF) ngayong December dahil plano talaga ni Direk Paul na isali sa international festival ang Kid Kulafu. Ang Kid Kulafu ay released ng Ten17 na production film din ni Direk Paul.