Totoo kayang pinanggigilan ni Mikael Daez si Andrea Torres sa kissing scene nila sa afternoon prime telefantasiya ng GMA 7, ang Ang Lihim ni Annasandra? Nag-deny naman ang dalawa dahil hindi naman puwede ang ganoong eksena sa hapon, dahil baka sila mapagalitan ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB).
Biniro tuloy ang dalawa na wala kayang magselos kapag napanood ang eksenang iyon mamayang hapon. Maiintindihan naman siguro kung meron man, na trabaho lamang iyon at comfortable na sila sa isa’t isa dahil third team-up na nila ang Ang Lihim...
Sa Sunday, November 9, magsi-celebrate si Andrea ng fifth anniversary niya sa showbiz sa Sunday All Stars at balitang may malaki siyang pasabog na ihahayag sa show.
Schedule ni Marian hanggang bago ikasal plantsado na
Na-excite si Marian Rivera nang magsilang ng baby boy ang kanyang wedding planner na si Teena Barretto last Friday through caesarean section. Pinangalanang Mariano ang baby, na siyempre si Marian ang ninang. Natuwa ang actress dahil ang lolo pala niya sa father side sa Spain ay Mariano ang pangalan. Hindi naman nagwo-worry si Marian na maaapektuhan ang wedding preparations niya dahil nakaplano nang lahat ang mga gagawin at tuluy-tuloy lamang siya sa pagtupad sa mga schedules. Tulad ngayong Monday, bridal pictorial na niya for a billboard. Sa Wednesday naman ay aalis sila ni Dingdong for Dubai at pagbalik niya may ilu-launch siyang bagong endorsement.
Kahit ang mga schedules niya ng mga taping at guesting, presscon at premiere night ng My Big Bossing nila ni bossing Vic Sotto for the Metro Manila Film Festival (MMFF) ay naayos na rin. Early December naman ang kanyang Despedida de Soltera at may mga bridal showers pa ring ibibigay ang mga friends niya na naayos na rin ni Teena.
Serye nina Elmo at Janine dalawang linggong nambitin
Two weeks pang maghihintay ang mga kinikilig na fans nina Elmo Magalona at Janine Gutierrez dahil hindi matutuloy ang pagsisimula sana ng airing ng More Than Words tonight. Sa halip, sa November 17 pa ito mapapanood, sa primetime block, after ng 24 Oras, na susundan ng Strawberry Lane then balik sa dating timeslot ang Hiram na Alaala, Bet ng Bayan, at Empress Ki.
Ibabalik naman ng GMA 7 ang isa sa highest-rating Koreanovela na ipinalabas nila, ang The Coffee Prince. Mapapanood na ito simula ngayong Lunes, November 3, bago ang 24 Oras.