All praises si Enrique Gil sa kanyang leading lady sa Forevermore na si Liza Soberano. Actually, pangalawang pagsasama na nila ito at ang una ay ang pelikulang She’s the One pero hindi naman daw sila talaga ang magka-team up doon dahil sila ni Bea Alonzo ang magkapareha.
Kung baga, patikim lang ang She’s the One at dito nga nakita ng ABS-CBN na may chemistry sila at pwedeng maging loveteam talaga.
‘Du’n sa She’s the One, mag-best friend po kami do’n, ‘yung unti-unting mag-best friend na may gusto sa isa’t isa, pero hindi pa ‘yun kasing lalim tulad dito na talagang loveteam kami,” say ni Quen (palayaw ni Enrique) nang makausap namin kahapon sa taping ng Forevermore sa Tuba, Benguet province.
Before pa may sinasabi si Tita Malou (Santos of Star Cinema Star TV) na “parang okay kayo mag-pair,” kwento pa ni Quen.
After that, nang magkita sila ni Malou ay humirit siya na bigyan sila ng show at sa tuwing makikita niya raw ito ay kinukulit niya.
“Then sabi niya o itong show na ito sa inyo ito. Yun.”
Aminado rin si Quen na gusto niya talagang makapareha si Liza kaya siya na ang nangulit sa management na bigyan sila ng project.
Ano ang nagustuhan niya kay Liza?
“Para siyang ano eh, may iba kasing tao na hindi ‘yun ang pinapakita talaga, na ‘pag walang tao, ‘yun pa lang sila. Mapi- feel mo naman eh. Siya hindi eh, parang kahit sino ang kasama niya, ‘yun pa rin siya.
“And ang bait, eh. So sabi ko sino ba talaga itong babaeng ito, parang misteryosa,” say ng young actor.
Inamin dati ni Liza na crush niya si Enrque kaya tinanong namin ang aktor kung ano ang reaksyon niya rito.
“Eh di solid. Yes!” masayang sambit ni Quen.
Ngayong magkasama na sila sa isang show, may posibildad ba na ligawan niya ang young actress?
“Hindi malayo,” diretsong sagot ni Quen.
Sa ngayon ay friends pa lang daw sila at bata pa rin naman si Liza, only 17. Pero kung talagang mai-in love raw siya, wala naman daw siyang magagawa.
“Basta sabi ko lang sa kanya, enjoy lang natin to, feeling ko naman dun din pupunta pero kahit gusto mong maging kayo or something or maging okay kayo you can’t really go there yet kasi hindi pa puwede, respeto rin sa daddy niya, sa tita niya o kay tito Ogie (Diaz, manager ni Liza).
“Saka sobrang pressure ito (serye) tapos isasabay mo. So sabi ko ‘pag ok na ang lahat, kung talagang ano, talagang pupunta tayo do’n,” say ni Enrique.
Magsisimula na ngayong Lunes (Oct. 27) ang Forevermore mula sa direksyon ni Cathy Garcia-Molina.