Alex Gonzaga, desperada na sa Pure Love?

MANILA, Philippines - Nawawalan na ng pag-asa ang karakter ng Kapamilya leading lady na si Alex Gonzaga sa top-rating primetime teleserye ng ABS-CBN na Pure Love ngayong nauubos na ang kanyang panahon upang makuha ang huling dalawang pure love tears na kinakailangan niya para muling mabuhay.

Sa paglipas ng mga araw at paghina ng kanyang katawan, mas magiging mahirap para kay Diane (Alex) na tapusin ang kanyang misyon sa pagtuklas niya sa mga lihim ng mga taong inaakala niyang tunay na nagmamahal sa kanya.

Samantala, base sa datos mula sa Kantar Media noong Martes (Oktubre 14), nakamit ng Pure Love ang bagong all-time high national TV rating nito na 25%.

Halaw sa hit 2011 Korean TV series, ang local adaptation ng Pure Love ay sumesentro gabi-gabi sa kahalagahan ng tunay na pagmamahal at ang katatagan ng relasyon ng pamilyang Pilipino.

Patuloy na tuklasin ang tunay na halaga ng pagmamahal at pamilya sa primetime’s newest sensation, Pure Love, gabi-gabi bago mag-TV Patrol sa ABS-CBN’s Primetime Bida.

Show comments