MANILA, Philippines - Tutok lang sa lifestyle program ng GMA News TV na Gandang Ricky Reyes Todo Na Toh (GRR TNT) dahil mga nakapagbibigay ng inspirasyon at pag-asang kuwento ang itatampok.
May interbyu ang host-producer na si Mader Ricky Reyes sa Miss World New Zealand 2014 na si Airelle Dianne Garciano na ipinagmamalaking may dugo siyang Pinoy.
Pinay ang ina ng beauty queen na nainlab at nagpakasal sa kanyang amang ipinanganak at lumaki sa New Zealand.
Ipinagtapat ni Arielle na matagal na niyang pangarap na madalaw ang mga kamag-anak ng ina sa Cebu. Sinabi rin niyang may plano siyang magnegosyo dito sa bansa. Ikinwento pa niya ang karanasan sa pagsali niya sa Miss World pageant.
Samantala, bisita rin sa show ang isang ginang na kamakaila’y kinoronahan bilang Carinderia Queen. Bongga si Inay. Master sa kusina, mapagmahal na asawa at maalagang ina sa kanilang mga supling. Paminsan-minsa’y rumarampa rin siya bilang modelo.
Ngayong buwan ng Oktubre ay nagdaraos ng ika-20 anibersaryo ang Ricky Reyes Learning Institute (RRLI) na ang enrollment ay araw-araw sa mga sangay nito sa Cubao, Quezon City, Quiapo, Maynila, at Alabang City.
Maraming nagtapos ng hair-cutting, styling, at cosmetology sa nasabing paaralan ang ngayo’y sikat na at may sariling parlor. Ang may degree sa hotel and restaurant management at barista ay agad natatanggap sa mga luxury liner at masagana na ang buhay.
Laging panoorin ang GRR TNT alas nuwebe hanggang alas diyes nang umaga tuwing Sabado Handog ito ng ScriptoVision.