AiAi ‘di nagpatalbog kay Sam Pinto, nag-display ng katawan para mang-akit ng mhin at tiboli

MANILA, Philippines - Jampacked ang show nina AiAi delas Alas at Sam Pinto sa bagong bukas na Arcadia Bar sa Abu Dhabi last October 3. Proud na pinost ni AiAi sa kanyang Instagram account ang mga kuha niya at ng mga taong pumunta sa show.

Hindi siyempre nagpakabog si AiAi sa seksing si Sam. Idinispley rin ng komedyana ang kanyang balingkinitan na katawan upang magnasa rin ang male and tibo audience niya sa bar, huh! Ha! Ha! Ha!

Sa anak na si Sofia inihandog ni AiAi ang kanyang show na dahil doon ay meron ng advance Christmas gift ang dyunakis!

Ka-join ni AiAi ang boyfriend na si Gerald Sibayan sa biyahe and for sure, ang dyowa ang photographer habang nagpapasiklab siya sa stage!

Sheena tiniis na makasama ang ex sa serye kaysa malanta ang beauty!

Wala nang arte-arte pa si Sheena Halili na tanggapin ang role para sa Hiram na Alaala kahit na nga nasa main cast ang dating boyfriend na si Rocco Nacino. Kesa naman matengga pa ng ilang buwan dahil sa kawalan ng regular show, pinairal na lang ng Kapuso actress ang propesyunalismo kaysa naman maglaho ang byuti niya sa mata ng tao, huh!

Huling nagbida si Sheena sa Binoy Henyo. Although hindi agad nasundan ‘yon, hindi naman siya nababakante sa mga guesting at regional shows ng network. Kaya naman nang muli siyang papirmahin ng network ng three-year contract, abot hanggang langit ang kanyang ngiti sa muling pagtitiwala sa kanya ng istasyon.

“Isang dekada na ako sa GMA kaya naman nang papirmahin nila uli ako, sobrang happy ko. Never akong nabakante sa kanila mula nang mag-start ako sa Kapuso. Kaya naman kahit anong character na ipagkatiwala nila sa akin, go lang ako nang go!” pahayag ni Sheena matapos ang pormal na pirmahan ng kontrata.

Ang isa pang aktres na muling nag-renew ng contract sa GMA ay si Janine Gutierrez lalo na’t sa araw mismo ng birthday niya natanggap ang magandang regalo. Umingay lalo kasi si Janine nang pumatok sa tao ang tambalan nila ni Elmo Magalona sa Villa Quintana.

Eh, ngayong sila ng special friend ang sentro ng kuwento ng bagong series nilang More Than Words, higit lalo ang kasiyahan ni Janine dahil lubos na matutuwa ang fans nila ni Elmo sa mas matinding romansahan nila sa TV, huh!

Ricky papasyal-pasyal na lang sa Korea

Nakasingit ng biyahe sa Busan International Film Festival sa Korea ang actor-director na si Ricky Davao kung saan kasali roon ang indie movie niyang Marquina. Todo-smile ang kabigan naming actor-director sa picture niya sa Instagram na nakaupo sa teatro ng venue ng festival.

Magtatapos na kasi this week ang dinidirek niyang Dading. Papalitan ito ng fantaserye na Ang Lihim ni Annasandra ni Andrea Torres.

Gustuhin man ni Ricky pati ang cast ng Dading na humaba pa ang programa, natutuwa na rin sila dahil sa ilang buwan nitong pagpapalabas ay talaga naman humamig ito ng magandang ratings at positibong reviews mula sa manonood.

Show comments