Pagrampa ni Coco parang Cirque de Soleil lang

MANILA, Philippines – Humingi na ng paumanhin si Ben Chan kaugnay ng kontrobersiyang idinulot ng pagrampa ni Coco Martin na may hinihilang babaeng nakatali na parang aso sa fashion show na The Naked Truth. Umalma ang grupong Gabriela sa act na ‘yon.

Binigyang-katwiran naman ni Chan na mula ‘yun sa konsepto ng show na Cirque de Soleil. Ga­yun­paman, nagpakumbaba ang may-ari upang sabihin na hindi nila minamaliit ang kababaihan.

With Ben’s statement, case closed na ‘yan, huh!

Host-actress ayaw nang mag-renew ng kontrata sa nilakihang network

Malapit na raw magtapos ng kontrata ang isang host-actress sa isang network. Although wala pa namang offer to renew, may himig daw ang host-actress na ayaw na niyang mag-renew.

Homegrown talent ng network ang host-actress. Although nabibigyan naman siya ng hosting at acting chores, mas nahasa raw siya sa hosting niya sa isang show na kinabibilangan din niya ngayon. Mas tinatanawan daw niya ‘yun ng utang na loob.

Mas gusto rin daw ng aktres na gumawa ng mo­vie kesa umakting sa tele­serye lalo na nga’t mas napapansin ang pag-arte niya sa movies kesa sa mga drama series, huh!

John Spainhour paiinitin ang horror movie!

Nabiyayaan din ng pelikula ang model na si John Spainhour. Produkto ng mga male contest si John at hindi nahihiyang ipakita ang kanyang bukol sa iba’t ibang fashion show at pictorials.

Pang-displey naman ang katawan ng mo­delo. Pa­libhasa hindi sanay magsalita ng Tagalog kaya naman walang sumubok na kunin siya sa movie.

Pero sa post sa Facebook ni director/ma­nager Manny Valera, sinabi niyang introducing na si John sa episode na Flight 666 sa Shake, Rattle & Roll V na idinidirek ni Perci Intalan.

Ayon kay Direk Manny, horror man ang movie, ipamamalas pa rin ni John ang pagi­ging hot model niya, huh!

John Lloyd level up sa aktingan, special child na special child sa The Trial

Bidang-bida ang dating ng role ni John Lloyd Cruz sa Chito Roño movie na The Trial. Impressive ang trailer pati na ang mga eksena ni Lloydie na special child.

At least, nabigyan ng ibang level ng acting si John sa movie after ng magkakasunod na rom-com movie. Binago rin kasi ang look niya at special child na special child ang dating niya na na-involve sa isang kaso.

Incidentally, nominated si Lloydie bilang best actor in a musical or comedy sa Golden Screen Awards na gaganapin this Saturday sa Teatrino’s Greenhills para sa movie nila ni Sarah Geronimo na It Takes a Man and a Woman na nominated naman sa best actress sa kaparehong kategorya.

Ang dinig namin, muling magbabalik ang tambalan nina John Lloyd at Sarah, huh!

Show comments