Abra, Loonie, at Ron Henley makikitsika kay Arnold Clavio

MANILA, Philippines - Sa Miyerkules, may mga magbabalik sa Tonight with Arnold Cla­vio! Sila ang tinaguriang trifecta ng Pinoy Rap!

Ang una ay ang isa sa pinakasikat na rap artists ngayon na unang nakilala dahil sa kanyang monster hit na Gayuma – walang  iba kundi si Abra!

Makakasama niya sa TWAC sa unang pagkakataon ang natatanging rap battle artists din na sina Loonie at Ron Henley, na nagpasikat ng mga kantang Tao Lang at  Biglang Liko!

Tiyak na mapapahanga ang mga manonood sa galing nila mag-rap at nakabibilib na talas na isip.

At… eksklusibo—mapapakinggan na ang kantang Cerberus  – na nagtatampok sa “artistic collaboration” ng tatlo!

Huwag palalagpasin dahil nakakaaliw na kwentuhan at rap-rapan ang matutunghayan kasama si Igan sa Tonight with Arnold Clavio ngayong Miyerkules, September 17, 10:15pm sa GMA News TV.

Show comments