Dahil sa manika, direk Wenn ayaw tantanan ng ibang Noranians

MANILA, Philippines - Naku Salve A, sa September 15 pala ang birthday ng blockbuster director na si Wenn Deramas. At talagang inamin niya na isang napakagandang regalo na hinihiling niya sa mga manonood at sa Panginoon ang pagi­ging successful ng horror-drama niyang Maria Leonora Teresa. Kabit kasi ang kaarawan ni Deramas sa play date ng pelikula, September 17. “Naku I will admit na I really hope and pray na very beautiful na regalo sa akin itong movie! Higanteng proyekto ang Maria Leonora Teresa at hinihiling kong regalo ang maging matagumpay ito sa box-office. Dahil hindi lang para sa akin ito, kundi para sa ating lahat. Isang pelikulang pinaghirapan gawin ng maraming tao”.

Sa papalapit na playdate ng pelikula, maraming-maraming tao na ang nagtatanong na bilang isang horror-drama, ano bang meron ang Maria Leonora Teresa at inaabangan ito? Ano bang meron sa tatlong bata rito? Sinabi ni Direk Wenn “ay siyempre panoorin ninyo,” pero may dagdag siyang “pero I must say na ‘pag napanood ninyo ito, may mga gabi sigurong mahihirapan kayong makatulog.”

Ang iba nga Salve A, pinanindigan ng balahibo sa katawan, no kidding, sa trailer pa lang.

Sa isang banda dahil nga the name Maria Leonora Teresa rings a bell, ushering sa manikang ‘anak’ ng dating sikat-na sikat na love team nina Nora Aunor at Tirso Cruz III noong dekada 70.

Deramas obviously considered using the name Maria Leonora Teresa a delicate matter para gawing titulo ng pelikula, at horror-drama pa hindi romance, hindi rin comedy ang genre. At sa paggamit niya nito para gawing title ng pelikula, alam niyang initially maba-bash siya. Pero Deramas justified na “in fact tinawagan ako, sinulatan ako ng mga liders, mga presidents ng fans club ni Ate Guy. They told me na kung sino man ang nagba-bash sa ’yo Direk eh hindi talaga Noranian ‘yan. Kase alam nilang marespeto akong tao kay Ate Guy. Nagpaalam pa nga ako sa kanila, kina Tirso na gagamitin namin ang pangalang Maria Leonora Teresa as title ng movie eh.” Kaya naman siya mayroon confidence to be able to use the name for the movie ay dahil personally close si Deramas sa Superstar.

Siyempre hindi natin maiiwasang maikumpara ang manikang Maria Leonora Teresa nina Guy and Pip sa Maria Leonora Teresa na movie. Pero ayon kay Deramas walang point of comparison iyung Maria Leonora Teresa doll ng Guy and Pip Love team at ‘yung tatlong dolls dito sa pelikula. Nagsimula kasing bata ang mga ito from different families and different parents. At nang mawala sila, mga manika ang pumalit sa kanila. Pero walang anggulo na binastos ni Deramas ang pangalan ng manika nina Guy and Pip. 

                             

Show comments