Tom panapat namin kay Luis – Direk Mark

MANILA, Philippines -  Wala nang hawak na tungkod si Director Mark Reyes nang makausap namin sa lunch break ng tini-taping niyang Bet ng Bayan na isa sa shows na idinidirek niya sa GMA. Bukod pa ito sa game show ni Tom Rodriguez na Don’t Lose The Money at sa second season ng Marian ni Marian Rivera, naatasan siyang magdirek ng unang dalawang episodes.

 “I have an alternate directors. It’s really hard to run the four shows!” saad ni Direk Mark na bukod sa game/talents shows ay meron pa siyang drama series na The Half Sisters, huh!

Tapos na sana ang The Half Sisters pero dahil sa magandang ratings nito ay na-extend pa. Bentang-benta rin kasi sa fans ang tambalan nina Barbie Forteza at Andre Paras na parang Dingdong-Ma­rian ang dating, huh!

Paano na ‘yung health niya sa rami ng shows?

 “I’m watching my health. GMA naman knows na kailangan kong magpahinga, I need to be relieved with Half Sisters kasi magse-segue ako sa Don’t Lose The Money. They allow me to have an off. They are very careful with that naman. Ayaw naman nilang may mamatay sa trabaho! Ha! Ha! Ha!” biro ng director.

Sa Bet ng Bayan, revelation daw sa kanya si Alden Richards na co-host ni Regine Velasquez. Nakatrabaho na niya si Songbird sa TV at sa movie pero first time sa reality show.

 “Just like Tom Rodriguez in Don’t Lose The Money. You’ll be surprise how he (Alden) does. Ganoon din si Alden. He’s perfect at walang ere,” saad pa ng director.

Sorpresa nga raw ang ipinamalas ni Tom sa audition. Stand out agad si Tom sa lahat ng nag-audition.

“It was a unanimous decision that Tom should handle that. I don’t wanna mention from the other side but he’s our answer to Lucky Manzano probably. Sa GMA si Tom Rodriguez.

“Imagine, he’s coming from an 18-hour taping and then segue to the show. His energy is still up,” katwiran ni Direk Mark.

Eh, so alam na niyang may relasyon sina Tom at Carla Abellana?

 “You know, I’m clueless with that. What I can confirm is that dumalaw si Carla once. ‘Yun lang ‘yon. Dalaw lang! Dumalaw nu’ng pilot. That’s all I can confirm. ‘Yung tsismis, wala eh. Sorry hindi ko alam! Ha! Ha! Ha!” lahad ni Direk Mark.

Next week na mapapanood ang Don’t Lose The Money bago ang The Ryzza Mae Show. Hindi naman daw sisibakin ang Basta Every Day Happy habang sa October naman ang telecast ng Bet ng Bayan.

Lovi sisitahin ni Mother Lily, pumirma ng kontrata sa iba na hindi nagpapaalam

Hindi alam ni Mother Lily na hindi sa Shake, Rattle & Roll XV nag-back out si Lovi Poe. Kahapon ang first day shoot ng episode niya na Flight 666 kaya agad siyang tumawag sa supervising producer na si Manny Valera upang alamin kung nag-back out ang aktres sa movie.

Nahimasmasan lang si Mother nang sabihin na tuloy si Lovi sa SRR. Na-mixed up ang nasa utak niya dahil sa pagba-back out ng aktres sa movie ni Erik Matti na Kubot, sequel ng Aswang Chronicles.

Sa totoo lang, contract star ni Mother si Lovi. Hindi na lang siya pumalag nang kunin ng anak niyang si Dondon Monteverde sa unang franchise ng Aswang Chronicles. Nagulat na nga lang siya nang malaman niyang pumirma pala siya (Lovi) ng contract sa production ng anak.

Kaya naman kakausapin ni Mother si Dondon upang malaman kung bakit nakapirma si Lovi samantalang Regal contract star ito.

Anyway, tapos na naman ang sakit ng ulo ni Direk Matti dahil nakakuha na siya ng kapalit ng aktres sa Aswang Chronicles, ang isa sa Binibining Pilipinas candidate na si Hanna Mariz de la Guerra.

 

Show comments