MANILA, Philippines - Masarap kausapin si Iza Calzado. Kasi naman Salve A., hindi lang siya may sense kausap, magalang at edukada pa. Halatang nag-iisip ng kanyang sasabihin at sagot sa mga tanong. Bukod pa sa nabiyayaan siya ng Panginoon ng magandang mukha, magandang height, at talent sa acting at hosting. And I can name 10 young celebrities na hanggang ngayon eh bano kung umarte! But that’s another story.
Biruin mo in her almost a decade na sa mundo ng pelikulang Pilipino, slowly but surely ang pagtaas ng kanyang pangalan na talaga naman kasing naalagaan niya.
Pero nakagugulat din dahil hindi natin akalain na sa likod ng kanyang kasiyahan ay dumanas din pala ng mga trials, tests, and tribulations ang magandang 32-year old na aktres. Akalain mong sabihin niya talaga na “I lost a number of people I love and care about so much sa buhay ko. Pero hindi ako dumanas ng depression or matinding kalungkutan. Nanatili lang akong positive at optimistic sa buhay.” Natutunan niya raw ang pananaw na ito sa kanyang late father na si Lito Calzado, isang respetado at kilalang head honcho sa Kapuso network.
Sa engradeng press conference ng pelikulang Maria Leonora Teresa with her main co-stars Zanjoe Marudo and the equally brilliant actress Jodi Sta.Maria, inamin ni Iza na sa kanyang role bilang isang ina, meron pala siyang mga bagay na pinaghugutan. Then she herself anchored from the fact na meron siyang inaalagaan na mas batang kamag-anak, either a stepbrother or a niece and nephew para maramdaman niya ang kanyang pagiging magulang sa pelikula. So even if Iza’s not yet a parent sinabi ng magandang actress na “the closest thing I’ve ever experienced to being a parent is taking care of my younger relatives (stepbrother).”
Puwedeng magtanong, magtaka, at siguro ang ibang tao eh magulat with Iza, growing up through two stepmothers, aside from her biological mother and stepsiblings. May iba kasing tao sa ganong sitwasyon ang maaaring lumaki nang confused. Ang iba maging rebelde dahil siguro naaagawan ng atensiyon. Ang iba naman makaramdam ng insekyuridad dahil mahahati ang atensiyon nilang tinatanggap. Pero hindi si Iza.
Samantala, kung puwede siyang maging main support aktres, puwede rin siyang magdala ng pelikula and usher it to box-office success. Ni hindi niya prinoproblema ang biling ng pangalan niya sa poster ng anumang pelikulang kasama siya dahil para kay Iza this matter ay isang non-issue. In fact Salve A, this writer likens her to esteemed thespians like Lolita Rodriguez, Marlene Dauden, Dina Bonnevie, and the naturally superb Hilda Koronel who critics always say has got the ‘most expressive eyes’.
Kung ito man ay taon ni Iza Calzado, hindi lang mga manonood ang magko-confirm nito. Just imagine after this year’s box-office champion Starting Over Again, here she is acting with Drama Prince Piolo Pascual sa teleseryeng Hawak Kamay bilang si Atty. Bianca Magpantay na gumaganda ang ratings ngayon.