Lumaki sa palo ang magkakapatid na Tulfo brothers, the famous news TV broadcaster na sina Ramon, Raffy, Erwin, at Ben, kumbaga displinado ng mga magulang na military father at educator na mother. Pero hindi dahilan ito para hindi sila lumabas na matatapang at walang takot na humarap sa katotohanan. Unang naging newscaster ang kuya nila kaya nang magtapos ng college ay sumunod sila sa yapak ng older brother.
Ang Tulfo Brothers ang ilan sa matatapang na media personalities sa larangan ng telebisyon. Kinilala ang kanilang katapangan at walang takot na banat sa mga may kasalanan. Kahit sinupaman, big or small person, politicians, men in uniform, at ke mayaman o milyonaryo, basta nasa tamang lugar sila, sugod lang.
Sa kabila ng kanilang katapangan, may pusong mamon din sa mga taong mahihirap na humihingi ng kanilang tulong ang magkakapatid. Big asset ang Tulfo Brothers ng TV5 News and Current Affairs Department under Ms. Luchi Cruz-Valdez. Sabi nga ng katotong Benjie Felipe, lumaki ang improvement ng mga programa nila kasabay nang paglipat ng network from Novaliches to Mandaluyong. Lalo na nga sa mga news program like Aksyon at lalong naging alisto at masipag ang mga staff na inspired sa kanilang Big Boss na si Ms. Valdez, mayroon pa ring T3 Reloads, Bitag, etc. Ilan pa sa kanilang magagaling na newscasters ay kinabibilangan nina Cheryl Cosim, Cherry Mercado, Paolo Bediones, Lourd de Veyra, Benjie Felipe, at Martin Andanar.
Idagdag pa ang mga kinaaliwang shows na Quiet Please, Bawal Ang Maingay nina Richard Gomez at K Brosas. Ayon naman sa isang reliable source, maraming programa ang mawawala (reformat) at mga bagong primetime shows ang papasok.
Goma may bagong style para makabuo
Speaking of Quiet Please… host na si Richard Gomez, gusto na nila ni Congresswoman Lucy Torres-Gomez na masundan ang kanilang unica hija na si Juliana. Sana boy, pero ke boy or girl, welcome na welcome pa rin naman ito sa mag-asawa. Kahit si Juliana ay gusto na ring magkaroon ng brother.
May itinuro ako sa kanyang style para mabilis silang makabuo. Hahaha. Joke lang.
Maliit na biruan lang naman ito ‘pag nagkakasalubung kami. Naalala ko noong nag-i-start pa lang mag-showbiz si Goma at sa first TV gag show niya na Palibhasa Lalaki, siya ang lagi kong ini-invite sa mga happenings sa simbahan (St. Raphael Church) sa Malate School at sa Nayong Pilipino thru yumaong Douglas Quijano, his manager, at iba pang talent niya. Kaya bilang pasasalamat ko sa poging aktor ay binibigyan ko siya ng isang bilaong palitaw na paborito niya.
Naka-amerikana ‘pag humaharap sa press, Mark glAmoroso kahit noong bata pa
Noong bata pa si Mark Gil, madalas go kami sa bahay nila dahil fan ako nina Rosemarie Gil and Eddie Mesa. Napaka-glamoroso niya, ‘pag alam na press ang bisita, gusto niya nakasuot ng Amerikana at shorts na hanggang tuhod. Siya ang nag-i-entertain sa amin, masyadong disiplinado silang magkakapatid. Sabi ko nga sa kanya dati, paglaki mo siguradong habulin ka ng chicks. Kasi guwapo at nakatingi sa magagagandang kasama namin, isa na ako roon, dahil maganda ako, ilusyon!