Timing naman na nang mag-propose si Sen. Chiz Escudero kay Heart Evangelista, kinabukasan lang ay itinanghal namang Big Winner ang ex-boyfriend ng aktres na si Daniel Matsunaga sa Pinoy Big Brother All In.
Kaya paglabas niya mula sa bahay, ang bumungad sa kanyang balita sa buong showbiz ay ang proposal ni Sen. Chiz kay Heart.
Sa Aquino and Abunda Tonight last Monday ay nagbigay ng kanyang reaksyon si Daniel tungkol sa engagement. Aniya ay si Alex Gonzaga raw ang unang nagbalita nito sa kanya.
Ayon kay Daniel ay masaya raw siya para kay Heart and Chiz. Matagal na raw siyang naka-move-on sa break-up nila ng aktres.
Tungkol naman sa nali-link sa kanya na si Vickie Rushton na kasama niya sa Bahay ni Kuya, aniya ay they will remain friends naman.
“Friends lang,” he said.
Tanong ni Kris, “eh paano kung ayaw ni Jason (Abalos, boyfriend ni Vickie)?”
Sagot ni Daniel, “okay lang, siyempre, may respeto ako sa sarili ko at kay Jason, ‘di ba? At sa umpisa friends talaga kami,” sabi ni Daniel.
Heart pinatawad na ng nanay
Ayon sa balita, kasalukuyan nang inaayos ang kasal nina Heart Evangelista at Sen. Chiz Escudero. Ang gusto raw ng dalawa ay sa mismong birthday ng aktres sila ikasal next year na siya ring Araw ng mga Puso (Feb. 14).
Wala na raw problema sa parents ni Heart dahil pumayag na ang mga ito nang hingin ni Chiz ang basbas bago naganap ang proposal.
Bilang patunay na okay na ang lahat sa pagitan ni Heart at ng parents niya, nagbigay pa raw ito ng congratulatory message na ipinakita sa proposal.
May post din si Heart sa kanyang Instagram account ng picture na magkakasama sila ng ina at ng kapatid na babae.
At least, sabi nga nila, sa hinahaba-haba ng prusisyon, sa simbahan din ang tuloy.
Tinanggihan ni Piolo kakantahin ni Michael Pangilinan
Aminado ang composer-director na si Joven Tan na hindi si Michael Pangilinan ang first choice niya para maging interpreter ng Himig Handog Philpop entry niyang Pare, Mahal Mo Raw Ako.
Si Piolo Pascual daw talaga sana ang nasa isip niya para kumanta ng song. At nang makipag-meeting siya sa Star Records, sinabi niya ito kay Malou Santos.
“Tinanong kasi ni Ma’m Malou sa akin kung sino gusto kong mag-interpret. Tinuro ko ‘yung picture ni Piolo. Sabi ko, siya sana pero alam kong imposible. Actually, ang dami na talagang tumanggi na kantahin itong kanta. Maraming artists na takot sila na kantahin ang song na ito dahil baka may marinig sila na. . . baka isipin na ganu’n sila or what.”
“Pero in fairness kay Michael, nang sinabi sa kanya ‘yung song, wala siyang kaano-ano. Sabi niya, ‘sige, kantahin po natin,’” kwento ni Direk Joven.
It was Charo Santos-Concio who suggested to Joven na si Michael ang kuning interpreter at ayon sa composer, open naman daw siya sa mga bagong artist para kantahin ang kanyang song.
Ayon kay Michael, nagandahan daw siya sa song at isang honor para sa kanya na siya ang napiling interpreter nito.
Incidentally, bilang parte ng promo ng nasabing kanta, Michael is having a concert tomorrow, Aug. 28, 9pm titled Pare, Mahal Mo Raw Ako (The Concert) at Teatrino, Promenade, Greenhills with guests Sam Milby, Prima Diva Billy, Herbert C, and Ms. Rochelle Pangilinan.