Flattered and honored si Noel Cabangon nang mabanggit ni President Noynoy Aquino ang pangalan niya sa nakaraang State of the Nation Adresss (SONA) nito.
Silang dalawa ni Ogie Alcasid ang na-mention at pinuri-puring artists ni P-Noy at say ni Noel nang makausap namin sa presscon ng Pinoy Music Festival, nagulat daw talaga sila nang mabalitaan nila ito.
“We’re not really expecting that the President was going to mention our names. Actually, may meeting ako nu’n sa Universal Records,” kwento niya.
Ano ang pakiramdam na favorite singer siya ng Presidente?
Natawa si Noel.
“Well, I’m really honored,” he said.
Nalaman din namin mula sa kanya na may communication pala sila ni P-Noy at talagang close sila.
Nasasabi ba niya kay P-Noy ang problema ng ating mga Pinoy singers?
“Oo, minsan. Actually, even ‘yung asking for the Executive Order for this one, for Linggo ng Musikang Pilipino, napag-uusapan naman namin, sometimes in a very casual manner,” he said.
Ano ba ang suportang nakukuha ng OPM mula sa gobyerno?
“Well, I think that’s what we’re asking – for the government to support it. That’s the reason why humihingi kami ng Executive Order para magkaroon talaga ng ngipin itong gusto naming mangyari na Linggo ng Musikang Pilipino. I think ‘yun ang isa sa pinakamalaking bagay na maibibigay sa amin. Kung mabigyan kami ng Executive Order, para ‘yung celebration. . .to start a tradition, maitulak talaga or mai-push.”
Gusto raw sana nila ay mga bandang July or September ang target month nila for Linggo ng Musika.
“We wanted to really have that, na parang dedicated na panahon.”
Hopefully raw ay within the year ay makakuha sila ng executive order para ma-implement na raw nila next year.
Isa si Noel sa itinuturing na icon sa music industry at isa sa mga nagtataguyod talaga ng OPM music and artists natin. Pinangunahan ng nasabing singer/songwriter ang presscon along with other icons tulad nina Mitch Valdez and Jim Paredes.
Napag-usapan sa tsikahan sina Anne Curtis, Daniel Padilla, and Vice Ganda na as we all know ay hindi naman talaga legit singers pero nakakapagbigay din sila ng contribution dahil naghi-hit ang mga albums nila at napupuno ang Araneta Coliseum at iba pang malalaking venues.
Hindi pa raw member ng OPM ang mga nabanggit na celebrities pero welcome na welcome raw ang mga ito na maging miyembro’t gusto nga nilang imbitahan.
“I want to invite them,” sabi ni Noel.
When asked kung gusto rin niyang maka-duet si Anne, sagot ng music icon, “well, why not?”
Samantala, ang Pinoy Music Festival is a one-day open-air free of charge celebration na naglalayong isulong, linangin at yakapin ang Original Pilipino Music (OPM) at ang mga likha at talents ng OPM music artists (performers and composers).
Gaganapin ang Pinoy Music Festival sa September 5, 2014 sa Ayala Triangle Gardes at ilan sa mga OPM artists na magpe-perfrorm aside from Noel ay sina Ogie, Christian Bautista, Lolita Carbon, Ruben Caballero, Johnny Danao, Bayang Barrios, Lara Maigue, Tippy Dos Santos, Abra, DJ Papi, at marami pang iba.
Inaanyayahan din ni Noel ang ating Pangulong si P-Noy na sana raw ay makadalo ito.
“We will be honored to have him during the festival because that will also signify the support of the government,” he said.