Nag-e-enjoy muna sa kanyang bakasyon si Angel Locsin. Kailangan nitong mag-relax bago sumabak sa pelikulang Darna. Masayang-masaya ang aktres kahit maraming ginagawa sa kanyang buhay ngayon.
Inamin ng aktres na na-drain ito sa nakaraang teleseryeng The Legal Wife at ngayon lang nagkaroon ng panahon sa pamilya at sa kanyang boyfriend.
Ipinagmamalaki ni Angel ang Darna kahit hindi pa nauumpisahan dahil sa bonggang special effects na puwedeng ipagmalaki sa buong mundo.
Anak TV at UNTV, nag-partner sa TV literacy symposium
Naimbitihan ang Movie Writers Welfare Foundation (MWWF) sa pamumuno ng inyong lingkod noong Linggo sa Apalit, Pampanga kung saan idinaos ang symposium tungkol sa TV Literacy at Anak TV Jury Screening sa pakikipagtulungan sa UNTV. Napakaraming magulang, kasama ang kanilang anak na dumalo sa napakalaki at napakagandang La Verdad College.
Inilunsad din ang No Blackboard Academy. Magagaling ang speakers kung saan ibinahagi ang kahalagahan ng paggabay ng magulang sa kanilang mga anak sa pagpili ng mga tamang programa sa telebisyon para sa kanilang value formation.
Anang speaker, “Kailangang samahan ng mga magulang ang kanilang anak sa panonood ng telebisyon.”
Nagkaroon ng screening sa iba’t ibang grupo. Ini-evaluate nila ang mga programa. Naging makabuluhan ang talakayan sa paksa tungkol sa TV literacy kung saan maraming natutunan ang mga magulang.
Ang Anak TV ay pinamumunuan ngayon ni Mrs. Elvira Go.
Malaki rin ang naitutulong ng UNTV sa pagpapalaganap ng kabutihan mula bata hanggang matanda sa kanilang adbokasiya na gumawa ng mabubuting bagay kahit isang araw lang.