Marian sa mga lumalandi pa kay Dingdong “Stop ka na, akin na ‘yan, para masaya ang buhay”

Nag-trending ang Kapuso Mo, Jessica Soho last Sunday evening kung saan na-feature ni Jessica Soho ang interview niya sa malapit nang ikasal na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera. It seems na habang papa­lapit ang kasalan, marami pang malalaman ang mga fans and friends ng dalawa tungkol sa kanilang love affair of almost six years na.  Ang isa pang nalaman na ng mga nanood ng magazine show ay ang ibinulong ni Dingdong kay Marian noong una siyang nag-propose sa girlfriend sa Butterfly Dome sa MGM Hotel, Macau, noong August 2012 birthday nito na ikinaiyak ni Marian.  Na-save pala iyon ni Marian sa kanyang celfon at binasa niya kay Jessica: “32 years old na ako, gusto kitang makasama habang buhay, gusto kong maging tatay ng magiging anak mo at gusto kitang maging asawa.” Pero kay Marian, mas bongga raw iyong ipinahayag ni Dingdong sa dance show niyang Marian last August 9 kaya talagang ngumalngal siya.

Inamin din ni Dingdong na nang muli silang bumalik ni Marian sa Madrid, Spain matapos dalawin ang ama ng girlfriend, hiningi na rin niya ang kamay ni Marian at pumayag naman ito.  Sa mga babae namang patuloy na nagpaparamdam kay Dingdong, sabi ni Marian: “stop ka na, akin na ‘yan, para masaya ang buhay.”

Sam habang-buhay DAW mamahalin si Anne

Hindi itinanggi ni Sam Milby sa presscon ng The Gifted na hanggang ngayon ay hindi pa rin nawawala ang love niya sa naging girlfriend of four years na si Anne Curtis na kasalukuyang BF si Erwan Heussaff. Kahit daw tumanda na siya, hindi mawawala ang love niya kay Anne, who will always have a special place in his heart.  May apat na taon din palang hindi nag-usap sina Anne at Sam kaya natuwa si Sam nang i-cast siya sa Dyesebel at ngayon sa The Gifted dahil muli na silang nag-uusap ni Anne.

Hindi pa rin nakuha ng mga entertainment press kung ano talaga ang naging dahilan ng break-up nilang dalawa.  Both said na past na iyon at hindi na dapat pag-usapan pa. Basta happy si Sam na muli silang magkasama ni Anne at iba namang genre ng movie ang kanilang ginagawa with Cristine Reyes, sa direksyon ni Chris Martinez, under Viva Films.  Showing na sila on September 3 in cinemas nationwide.

Luis ayaw pagbigyan ng tadhana kay Jennylyn

Nagsimula nang mag-taping kahapon ang primetime drama series na Se­cond Chances (dating Kahati sa Langit) under Laurice Guillen.  Tampok dito sina Jen­nylyn Mercado, Raymart Santiago, Camille Prats, Rafael Rosell, Frenchesca Farr, at ang new child star na si Joshen Bernado. 

May special participation si Luis Alan­dy.  Akala namin ay kasama sa re­gu­lar cast si Luis, pero hindi pala. Ibig sabihin hindi pa rin siya magkakaroon ng chance na ma­ging close kay Jennylyn na hindi niya ikinakailang crush niya.  Hindi pa namin alam kung kailan ang airing ng bagong primetime soap ng GMA 7.

 

Show comments