Drama actress tinatapatan ng datung ang pakikipag-sex sa young actor

Hindi malimutan ng isang young actor ang pagkahumaling sa kanya ng isang drama actress. Nakilala kasi si young actor na mapagpatol sa mga babae na mas may edad sa kanya. Napagtripan niya ay ang drama actress na nakasama niya noon sa isang TV show.

Dahil sa ginawang pambobola ng young actor sa drama actress, nai-date niya ito at naikama pa niya. Ang naging problema lang ay ‘yung plano niyang one night stand sa drama actress ay muntik nang mauwi sa bangungot dahil hindi na raw siya tinatantanan nito.

Takot na takot ang young actor dahil alam niyang may ibang karelasyon ang drama actress. Natatakot siya na baka mabuking sila at sugurin na lang siya ng boyfriend nito.

Pero hindi rin niya mahindian ang invitation parati ng drama actress na mag-sex sila. Kesa naman daw mahirapan siyang makipag-sex sa ibang girls, itong si drama actress ay parang karinderyang bukas sa lahat nang gustong kumain.

Napansin ng aming source na may nangyayaring milagro sa pagitan ng drama actress at young actor. Kaya pala raw masyadong malapit ang dalawa sa isa’t isa at minsan ay nahuhuli si young actor na nasa lugar kung saan nandoon din si drama actress.

 “In fairness naman sa young actor, fresh siya kumpara sa boyfriend ni drama actress. Sa ganda naman ni drama actress ay kailangan ma-maintain ang freshness niya at kay young actor lang niya makukuha ang maging sariwa siya.”    

Naging boy toy na ng drama actress si young actor. At ang nakakalokah pa ay hindi libre ang binibigay na serbisyo ni young actor.   

 “Para ma-maintain ni drama actress ang kasariwaan niya, may sex fee siya na binibigay sa young actor. Para naman daw hindi ito madala at may nakukuha siyang kapalit sa pinapamahagi niyang pampabata sa drama actress.

 “Iba raw talaga ang naturang  pampasariwa kesa sa mga gamot na pampabata. Kaya si young actor, may regular siyang sustento mula sa drama actress na sarap na sarap sa kanya tuwing magse-sex sila,” diin ng aming source.

Ken Chan natulungan nI Freddie Webb

Nagpapasalamat ang Kapuso actor na si Ken Chan sa mga tumangkilik ng indie film na 1st Ko Si 3rd. Gumanap si Ken doon bilang batang Freddie Webb.

Masayang-masaya nga raw ang kanilang producers sa turn-out ng kanilang Cinemalaya entry. Bukod sa puno raw parati ang kanilang screenings, magaganda pang mga reviews ang nakuha ng pelikula.

Sa nagdaang Cinemalaya awards night, nagwagi pa si Dante Rivero bilang best actor sa New Breed Category.

Ngayon at tapos na ang Cinemalaya, makakapag-concentrate na si Ken sa kanyang album tour. Sunud-sunod nga ang kanyang mga bibisitahing malls nationwide.

Kasalukuyang nasa teleserye na Dalawang Mrs. Real si Ken bukod sa pagiging regular niya sa Walang Tulugan with the Master Showman.

Hollywood icon na si Lauren Bacall namatay na rin

Pagkatapos pumanaw ni Robin Williams, isa na namang Hollywood icon ang pinagluluksa ng Hollywood. Pumanaw noong nakaraang August 12 ang isa sa legendary screen icon na si Lauren Bacall.

Stroke ang naging dahilan sa pagpanaw sa kanyang tahanan ng 89-year old actress.

Nakilala si Lauren Bacall dahil sa kanyang distinctive husky voice at misteryosang ganda kaya isa siya sa nabigyan ng titulong femme fatales of Hollywood. Tumakbo ng higit na 70 years ang career ni Lauren.

Sa edad na 19 ay nag-audition si Lauren para sa isang role sa pelikulang To Have and Have Not kung saan makakapareha niya ang isa sa biggest leading men in Hollywood na si Humphrey Bogart na naging mister niya.

Nakapareha rin ni Lauren ang ilang pang big leading men tulad nila Gary Cooper, Kirk Douglas, Henry Fonda, Rock Hudson, Gregory Peck, Tony Curtis, at Paul Newman.

Noong sumakabaling-buhay si Bogart dahil sa lung cancer in 1957, nagpakasal ulit si Lauren sa aktor na si Jason Robards, Jr. in 1961. Nagkaroon sila ng isang anak. Nag-divorce sila in 1969 dahil sa pagiging alcoholic ni Robards.

Huli ngang trabaho ni Lauren ay ang Ernest & Celestine kung saan siya ang nag-dub ng boses ng isa sa mga lead animated characters.

Show comments