Jillian pinagmamalditahan si Mona Louise?!

MANILA, Philippines - Teka, totoo bang ayaw ni Jillian Ward, na ka-share si Mona Louise Rey sa tent nito sa My BFF? Gusto raw nito ay solo. Kawawa naman si Mona, inaalalayan na lang ng ina sa set na si Fatima Al-Alawe ang bagets. Ibang-iba na nga ba si Jillian ngayon? May nagtanong nga, sino ba ang nasa likuran ng batang ito para magsungit? Aba, ‘yun pala ang maikokonsiderang ghost sa istorya, hindi si Jillian! Paano kung umulan, saan sisilong si Mona? Care ba ni Jillian kay Mona Louise?

Maligayang kaarawan

Kahit hindi magsalita sa aming kwentuhan, halatang napakasaya ni Amanda Amores, at nakabiyak niyang si Sto. Domingo Quezon City Chairman Richard Yu. Debut ng ikalawang anak nila na si Kia Yu last August 7 na special daw ang damit na isinuot. Ganoon kamahal ni Amanda ang anak, mismong siya ang nag-ayos kaya masaya ang mag-asawa dahil napakabait ng kanilang bunso. Hindi sila nabigyan ng anumang problema, katulad din ng panganay na si Kagawad Michelle China Yu. Karamihan kasi sa mga kabataan ngayon ay walang respeto at maluho sa buhay. Simple lang si Kia. Si Kia ang muse sa kanilang paaralan sa Philippine Chinese School.  

Show comments