Mutya ng Pilipinas 2014 ipapalabas sa GMA

MANILA, Philippines - Ngayong Linggo (Agosto 10), magkakaroon ang mga manonood ng isang hindi malilimutang weekend na puno ng glitz at glamour dahil ipapalabas ng GMA Network ang Mutya ng Pilipinas 2014 bago ang Sunday All Stars.

Sa hangaring mabigyan ng panibagong kahulugan ang Filipina beauty, ang Mutya ng Pilipinas pageant ay nagsisilbing paraan upang ipakilala ang Filipina bilang isang fashionable na tao na magtataguyod sa Pilipinas bilang cosmopolitan at fashion center sa greater Asia Pacific.                                                                                                                               

Ang Mutya ng Pilipinas pageant ngayong taon ay mayroong kahanga-hangang line-up ng mga candidates. Tatlumpung naggagandahang mga kababaihan ang maglalaban-laban para sa mga Mutya ng Pilipinas 2014 titles na Mutya ng PilipinasAsia Pacific International, Mutya ng Pilipinas Tourism International, at Mutya ng PilipinasOverseas Communities.

 Ang Mutya ng Pilipinas Organization ay natatangi dahil ito ay ginagabayan ng layuning itaguyod ang Tourism, Social Responsibility, Fashion, at Beauty pageantry sa pamamagitan ng Mutya ng Pilipinas pageant.

Show comments