MANILA, Philippines - Natawa na lang kami sa mga komento tungkol sa mga artistang nagpu-promote ng pelikula sa anchors ng isang news program. Halatang may alam din sila sa tsismis sa isa sa mga artista ng movie. More or less, ganito ang chikahan nila.
Anchor 1: “Sino ang mas maganda sa kanila?”
Anchor 2: “Sinong mas maganda eh, isa lang naman ang babae sa kanila!”
Anchor 1: “ I mean, sa katawan?”
Smile na lang silang lahat pati sa anchor 3.
Derek ayaw kalkalin ang problema sa asawa
Umiiwas man si Derek Ramsay sa pangungulit ng press na magbigay ng reaksyon sa kasong isinampa ng dating asawa, may post naman siya sa kanyang Twitter account na wari ay may pinatutungkulan at narito ‘yon.
“If they respect you, respect them. If they disrespect you, still respect them. Do not allow the actions of others to decrease your good manners because you represent yourself, not others.”
Gentleman kasi ang dating ni Derek sa tao pati sa press. Nu’n ngang hiwalayan nila ni Angelica Panganiban, kahit may mga patama ang aktres sa mga tweets niya noon, never nagbigay ng kanyang eksplanasyon si Derek.
Pero open naman siya sa pagsasalita tungkol sa ex niyang si Cristine Reyes at ang tsismis sa kanila ni Kris Aquino. Naging maingat na nga lang ang aktor sa pagbibigay ng detalye sa kanyang personal na buhay.
Eh, may anak nga naman si Derek sa dating asawa, kaya ayaw rin niya marahil na maapektuhan ang bata kung sasagot pa siya sa akusasyon ng ina.
Mga anak ni Mother Lily binigyan pa ng sakit ng ulo ang ina
Away-asawa ang tanging nasambit sa amin ni Mother Lily sa mga report na lumabas kahapon sa pagsampa ng reklamo ng manugang niyang si Jynett Marie N. Monteverde o Jean sa Barangay Greenhills laban sa asawa na si Richard Goldwin o Goldwin sa nakakakilala.
Sa ganang amin, maging maingat na sana ang mga anak pati na ang mga manugang si Mother Lily na iwasang ma-stress o bigyan ng problema ang mga ito. Una na nga, may sakit na rin si Father Remy Monteverde at alam naman ng lahat na tuluy-tuloy pa rin ang pagpapagamot kay Mother kaugnay ng pagkakaroon niya dati ng lung cancer.
They are old and mature enough upang malaman ang kanilang responsibilidad bilang mga anak at magulang. Both parents are not getting any younger at sa kanila rin maipapasa ang mga negosyo nilang nakatulong upang maging maganda ang kanilang buhay.
Eh, kahit nga may dinaramdam pa, tuloy pa rin ang non-stop na trabaho ni Mother kahit pinagbabawalan na siya ng doctor.
Ano ba naman ‘yung pasayahin nila at huwag bigyan ng problema ang ina lalo na sa darating niyang birthday sa August 19, huh!