Mabili sa indie films si Nicco Manalo, ang panganay na anak ng komedyanteng si Jose Manalo. Kasama siya sa The Janitor ang entry ni Mike Tuviera sa Directors Showcase ng Cinemalaya X na napapanood na ngayon. May isa pa siyang indie film na ipalalabas sa August 13, ang Barber’s Tales. Sa tanong kung ayaw ba niyang sundan ang yapak ng ama sa pagiging komedyante, iyon daw mga nauna na niyang ginawa ay comedy, pero lately mga seryosong role at seryosong pelikula ang ibinibigay sa kanya.
Inamin ni Nicco na hanggang ngayon, hindi pa niya nakakausap ang ama para malaman naman niya ang side nito sa paghihiwalay nila ng kanyang ina. Pansamantala na rin nga raw niyang iniwan ang stage dahil kailangan niyang kumita para makatulong sa kanyang ina at mga kapatid. Alam daw niya, may sustento naman ang ama sa mga kapatid, pero ayaw daw ni-yang makialam sa kanila, gusto lamang niyang makatulong kahit nakahiwalay siya sa ina at mga kapatid.
Acting ni Maricel nakabalik na sa dati
Ibang-ibang Maricel Soriano ang napapanood ngayon sa Ang Dalawang Mrs. Real, may nagsasabi pang mu-ling nakabalik ang Diamond Star sa roles na bagay na bagay sa kanya. Like, bentang-benta ngayon ang mga malulutong na dialogues ni Maricel as the original Mrs. Real, si Millet. Kaya naman labis-labis ang pasasalamat niya sa patuloy na sumusubaybay.
Miguel ‘di raw hahayaang lumaki ang ulo
Iba naman ang dating ni Miguel Tanfelix as Niño sa inspirational soap ng GMA na Niño na mataas din ang rating. May nagtanong kay Miguel na baka naman lumaki ang ulo niya sa mga papu-ring tinatanggap niya. Hindi raw mangyayari na lumaki ang ulo niya dahil biro niya, sayang daw ang mga isinusuot na cap ni Niño kung hahayaan niyang lumaki ang ulo niya. Modesty aside, hindi raw mangyayari iyon dahil ang mga Nay-nay commandments na sinasabi niya ay nakatatak din lahat sa isip niya at isinasabuhay din niya.