Nangba-blackmail daw, ginagamit pa ang bata ex-wife ni Derek nanghihingi ng P40-M!

Nakatanggap kami ng official statement galing sa abogado ni Derek Ramsay na si Atty. Joji Alonzo hinggil sa kontrobersyal na isyung pinagdadaanan ngayon ng aktor matapos siyang kasuhan diumano ng dating asawa. Narito ang nilalaman ng statement ni Atty. Joji :

To everyone: I am certain you must have heard by now about the criminal case filed against Derek for alleged failure to support a certain Mary and her son. Pls. do not believe everything You’ve read. I have been on board this concern some 3 yrs ago. Mary has been blackmailing Derek to give P40 M. She wants to make an ATM machine out of him. Their relationship lasted 9 months, 12 yrs ago. She is in a relationship herself with a Swiss nat’l. She has been harassing Derek with texts, emails, tweets, etc. I have gathered substantial evidence like lewd pictures, flight details in and out of the country, emails, texts, the works. She has changed lawyers 5x because they eventually give up on her. So tuloy lang tayo sa pagbuo ng English Only, Please (pelikula ni Derek na si Atty. Joji ang producer.)  Salamat

Eugene, inaming tatanga-tanga

Ayon kay Eugene Domingo, naisahan siya ng Star Cinema. Akala raw niya kasi ay tapos na ang pinirmahang contract three years ago, pero nang basahin daw niya ito recently, may isa pa raw palang pelikula na dapat siyang gawin. Aminado siyang tatanga-tanga siya dahil hindi niya ito binasa ang kontrata “oo tatanga-tanga ako, pasensiya na, hindi ko binasa.”

Napag-usapan ang kontrata niya sa Star Cinema dahil gusto na niya sanang mamahinga muna sa showbiz at ang indie film niyang Barber’s Tales ng APT Entertainment ang gusto niya sanang maging last movie.

Elmo nagiging babaero na!

Sa indie film na #Y (Hashtag Y) na entry sa 10th Cinemalaya Film Festival 2014 ay may shower scene si Elmo Magalona na siyempre ay nakahubad siya. Pumayag daw siya sa mild daring scene na ito dahil challenge din naman daw ito para sa kanya. Na mula sa wholesome image niya, heto’t lume-level-up na siya to a bit more mature role.

At isa nga raw sa na-explore niya ay kaya naman pala niyang maging daring nang kaunti.

Isa pang ikinagusto ni Elmo sa project ay dahil nagkaroon siya ng chance na makasama ang mga taga-ibang network. Kasama niya rito si Sophie Albert from TV5, at sina Kit Thompson and Coleen Garcia from ABS-CBN.

Ang #Y ay mula sa direksyon ni Gino Santos at nasa ilalim ng New Breed Category sa Cinemalaya filmfest na nagsimula na last Aug. 1 at magtatapos sa Aug. 10.

 

Show comments