MANILA, Philippines - Moral support lang ang ibinigay ni Glaiza de Castro sa nademandang director na si Dante Garcia na naging director din niya sa isang indie movie ngunit hindi naipalabas. Itinanggi rin niyang siya ang nagbigay ng perang pangpiyansa sa direktor.
“Wala akong ganoong kalaking pera! Moral support lang. Shocked din ako sa nangyari sa kanya. Eh, ganoon talaga. Dumarating sa buhay ng tao ‘yun, ang mga hindi inaasahang pangyayari,” rason ni Glaiza nang makausap namin sa taping ng Dading.
May kontak pa siya sa director?
“Ahhh, hindi ganoon kadalas. The last time na nagkausap kami, medyo matagal na rin. Oo, may problema na siya noon. Pero ‘pag nag-uusap kami, hindi naman namin topic ‘yung lahat eh. Pero hindi ko ini-expect ‘yon. Para sa akin naman, ayokong mag-focus sa negative,” katwiran ng aktres.
Tutok kasi si Glaiza, hindi lang sa pag-arte kung ‘di pati rin sa paggawa ng singing album. Nakagawa na siya ng ilang kanta gaya ng Barcelona, Waiting Shed at iba pa. Kaya naman dedma siya sa mga nagrereto kay Benjamin Alves na patulan niya lalo na’t madalas niyang kasama sa taping.
“Wala rin kasi akong nararamdaman eh. Hindi rin naman siya nagpaparamdam. Medyo boring ang walang love life! Ha! Ha! Ha! Para sa akin, may mga times na naiisip ko. Pero kung magiging sakit siya ng ulo, huwag na lang! Ha! Ha! Ha!” sey niya.
So sumakit ang ulo niya kay Felix (Roco, ex ng aktres)?
“Medyo! Ha! Ha! Ha!” tugon ni Glaiza.
Abogado ni Aljur nagsisinungaling?!
Walang hinihinging damages o pera si Aljur Abrenica sa reklamong inihain niya laban sa GMA ayon sa lawyer niyang si Atty. Ferdie Topacio.
“As in zero ang actual damages namin,” diin ni Atty. Ferdie.
Gumawa raw sila ng effort para makipag-usap sa GMA officers. “We even sent them a formal letter, hoping to have them sit down. Ngunit they insisted on the contract so wala na kaming choice. So walang choice kung ‘di humantong dito.
“Pero inuulit ko, hindi kami nakikipag-away. We are not closing the door to a fruitful dialogue with GMA. So sana po kung mamagitan ang hukuman ay magkakaroon ng magandang resolusyon ang konting misunderstanding na ito,” paliwanag pa ng abogado.
Ayon naman sa nasagap naming impormasyon sa GMA, ang letter na natanggap nila kay Atty. Topacio ay ang letter of release ng kliyente at walang sulat para makipag-usap.
In fact, matapos maghain ng reklamo, dumiretso si Aljur sa GMA para kunan sa TV plugs ng bago niyang endorsement. Ngayong tanghali sa Sunday All Stars, tiyak na tututukan ng manood ang program kung sisipot o hindi si Aljur.