Shocking ang tsismis na nakarating sa akin tungkol sa isang TV documentary na hindi matapus-tapos dahil walang artista na pumayag na gawin ang isang eksena.
Kahit ako naman ang nasa lugar ng artista, hindi ako papayag sa eksena na nire-require na magbasag sila ng imahe ng santo.
Problematic ngayon ang produ ng TV documentary dahil hindi siya makahanap ng artista na willing na magbasag ng rebulto ng santo.
Nakakapangilabot ang eksena. Saludo ako sa mga artista na tumanggi dahil hindi sila nasilaw sa datung, kahit gaano pa kalaki ang talent fee na ibibigay sa kanila.
Aktres na hindi nawawalan ng eskandalo malabong magkapuwang uli sa showbiz
Mahihirapan nang makabalik sa showbiz ang aktres na hindi nawawalan ng eskandalo sa buhay.
Kung may dapat sisihin sa pagbagsak ng kanyang career, ang aktres ang may kasalanan dahil sa mga kagagahan niya.
Maling-mali ang paniwala ng aktres na ang pagiging kontrobersyal ng isang artista ang basehan ng popularidad. Pinag-uusapan nga ang aktes dahil sa mga kontrobersya na pinapasok niya pero mas marami ang lumalait sa kanya.
Chariz hindi kinikilala ng kambal na kapatid
Wondering ang fans ni Chariz Solomon dahil hindi siya nababanggit ng kanyang kambal na kapatid sa Pinoy Big Brother All in.
Hindi dapat magtaka ang fans ni Chariz dahil contract star siya ng GMA 7 at nasa kabilang network naman ang kanyang mga kapatid.
Hindi naman affected si Chariz dahil sanay na siya sa showbiz. Napapahalakhak na lang siya sa kuwento na may nag-advise raw sa kambal na ipakilala siya bilang businesswoman at hindi artista.
Hindi pa bumabalik sa Japan ang nanay ni Chariz dahil hinihintay nito ang resulta ng grand finals ng reality show na sinalihan ng mga anak niya. Naiwan pa sa loob ng PBB House ang kanyang baklitang anak na si Fifth.
Pinagkakatiwalaan ni Ate Vi halos apat na dekadang nanilbihan
Thirty-five years na pala ang friendship ni Batangas Governor Vilma Santos at ng kanyang trusted accountant na si Aida Fandialan.
Apektadung-apektado si Mama Vi sa biglang pagpanaw ni Mama Aida na sumakabilang-buhay noong Linggo dahil sa stroke.
Nakarating sa akin ang balita na dinaramdam ni Mama Vi ang pagkawala ni Mama Aida. Ganyan katindi kung magmahal si Mama Vi sa mga tao na hindi niya kadugo pero itinuring na sariling pamilya.
Ang bilis ng araw…
Ang bilis ng araw dahil balik-Pilipinas na uli ako pagkatapos ng pagrampa namin sa Germany at Amsterdam ni Lorna Tolentino at ng kanyang mga anak na sina Rap at Renz.
Wala naman akong na-miss sa Pilipinas lalo na ang Typhoon Glenda na nanalanta sa Metro Manila at mga karatig probinsiya. Hinding-hindi ko mami-miss ang kalamidad na nag-iwan ng malaking perwisyo sa ating bayan no!