Masayang nakipagtsikahan si Diamond Star Maricel Soriano sa ilang entertainment press na dumalaw sa taping ng drama series nito sa GMA 7, ang Ang Dalawang Mrs. Real. Gabi-gabi ay nagti-trending sa Twitter ang soap at sa ratings, inisip ba niyang papatok ito sa mga viewers?
“Ipinagdarasal ko na magustuhan ng mga tao, pero hindi ko in-expect na magiging ganoon ang dating sa mga viewers,” sagot ni Marya. “Siguro, maraming nakaka-relate dahil totoo namang nangyayari na may lalaking dalawa ang asawa o dalawa ang kinakasama. Kaya maraming salamat sa kanila.”
Nang gabing iyon ng taping, isu-shoot ang confrontation scene nila ni Lovi Poe, kung siya ba ang tatanungin, gusto niyang si Shiela lamang ang i-confront niya?
“Hindi, gusto ko sana sabay, sapak kung sapak silang dalawa, pero hindi pwede, isa-isa lamang muna. Pero hindi pa namin alam ni Lovi kung paano gagawin ni Direk Andoy (Ranay) ang confrontation namin.”
Hangang-hanga rin daw siya sa taping kay Dingdong Dantes. “Hindi ko alam kung saan niya kinukuha ang energy niya, sa aming tatlo kasi, siya ang lagare, may eksena siya sa akin, tapos lilipat siya ng location kay Lovi. Nangyayari iyan sa isang araw na taping. Minsan nga natanong ko siya ng “bata, kaya mo pa ba?” Tawa lamang ang sagot niy a.”
Andrea ayaw pang seryosohin si Sef
Ngayong Lunes, ang simula ng taping ng bagong afternoon prime drama series na Ang Lihim ni Annasandra na magtatampok kina Andrea Torres, Mikael Daez at Pancho Magno. Sa Tanay, Rizal ang location nila dahil si Andrea ay gaganap na isang aswang na pinamanahan ng original na aswang, si Rochelle Pangilinan. Pero walang worry si Andrea sa bagong role dahil nagkaroon silang tatlo ng acting at familiarity workshop dahil may konting skin silang ipakikita sa story. Bale pangatlong team-up na nina Andrea at Mikael, ang Sana Ikaw na Nga, With A Smile, bukod pa sa nagkasama sila noon sa My Beloved nina Dingdong Dantes at Marian Rivera, plus magkasama rin sila sa gag show na Bubble Gang. Pero kapag nagsimula na raw silang mag-taping, Monday-Wednesday-Friday, hindi muna sila magti-taping ng Bubble Gang dahil every Monday iyon. Matagal na rin daw nakakasama ni Andrea si Pancho sa mga events ng GMA kaya familiar na rin sila sa isa’t isa.
Nag-deny si Andrea na sila na ng Kapuso actor/dancer na si Sef Cadayona. Open daw naman siyang ligawan pero ayaw pa niyang maging seryoso sa isang relasyon dahil marami pa siyang gustong gawin, foremost sa kanya ang kanyang career.