Bagsik ng lindol, dadanasin ni Atom

MANILA, Philippines - Kapag biglang yumanig ang lupa, sa tingin mo ba ikaw at ang iyong pamilya ay handa?

Samahan si Atom Araullo alamin ang mga dapat gawin kung sakaling biglang tamaan ng lindol ang iyong lugar ngayong Biyernes (July 11) sa Red Alert. Sa tulong ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) haharapin ni Atom ang earthquake simulation gamit ang Shake, Rattle and Learn House para maramdaman kung ano ang bagsik ng iba’t ibang intensity ng earthquake na maaring kumitil ng buhay at magdulot ng malaking pinsala.

Tatalakayin din ng mga eksperto ang mga paraan para masigurong ligtas ang maraming estudyante kung ang tamaang gusali ng lindol ay eskwelahan.

At alamin din kung posible nga talagang mahati ang Metro Manila kapag tinamaan ng lindol na may lakas na intensity 7.2.

Show comments