Sylvia kinakabahan sa concert sa Araneta

MANILA, Philippines - Kung super excited sina Richard Yap at Jodi Sta. Maria sa nalalapit na gagawing concert nila with the cast of Be Careful With My Heart sa Araneta this coming July 25, may kahalong nerbiyos ang nadarama ni Sylvia Sanchez.  Aba, biruin mo kakanta raw sila together ni Lito Pimintel.

Nabanggit sa amin ni Sylvia na isinisingit niya sa kanyang shooting schedules ang pagpa-practice nila ni Lito ng kanta.

Ngayon pa lang ay marami na ang nag-aabang ng BCWMH concert.  Tiyak nga naman na nakaaaliw ang mga ibibigay nilang production number.  Knowing ABS-CBN kapag nag-isip ng konsepto.  Bongga ito!    

 

 

 

Show comments