MANILA, Philippines - Very touching ang huling shooting day ni Nora Aunor sa Hustisya kasama si Rosanna Roces. Noong dumating sa set si Gardo Versosa, may suot na T-Shirt na may naka-print na mensaheng “Proud to be Filipino, Ashamed of my government.” Naglambing si Guy at hiningi ang T-shirt ni Gardo at buong pagmamahal naman na ibinigay ito. Isinuot agad ito ni Guy. Alam ba ninyo, maging ang CNN (Cable News Channel) ay pinick-up ang istoryang paglaglag kay Nora bilang National Artist? Sabi naman ni Ms. Perla Bautista makakalimutan ang pangalang P-Noy Aquino pero hindi ang Nora Aunor.
Janno nai-excite uli kay Mane?!
Sabi nila, love is lovelier the second time around, pero not for Manilyn Reynes at Janno Gibbs. Naging sila noon at ngayon ay magtatambal sila sa My BFF. Nakalipas na raw ang mga happy days nila noon. Pareho na silang pamilyado. Lalo na si Manilyn, marami na silang anak ni Aljon Jimenez. At si Janno man ay may pamilya na rin. Napapansin sa set, palaging on time na si Janno Gibbs kapag dumarating. Siguro excited siya dahil balik sa kaparehang si Manilyn.
Saan kaya galing ang pera?! Gay politician tinustusan ang kabit na poging aktor
May kuwento kaming nasagap, isang poging aktor ang naging boytoy ng isang gay rich politician. Nakakatakot daw palang maging kabit, magbuhat nang sumingaw ang isyung PDAF. Marami tuloy naghihinala, galing sa PDAF ang pinantustos ng gay politician sa poging aktor.
Ibinibigay ng naturang politician sa actor ang pambili nito ng mamahaling alahas, kotse, at pagtira sa condo. Grabe, pera pala ng bayan ang nilulustay sa mga kabit nilang artista!