Huling teleserye ni Rhian Ramos ay ang Genesis na pinagbidahan ni Dingdong Dantes. Ngayon ay kasama siya sa My Destiny kung saan gumaganap siyang kapatid ni Carla Abellana na may sakit na leukemia.
Five months ngang natengga si Rhian sa TV, pero mas gusto niya dahil nakapahinga siya.
Naghanda si Rhian sa role niya bilang isang leukemia patient sa pakikipag-usap sa isang kaibigan na nagkaroon ng sakit na ito.
“While growing up, my best friend got leukemia so we talked about it. I asked him the thoughts that were going through his mind, how he felt at certain times, at certain stages,” sey pa niya.
Deglamourized si Rhian sa role niya bilang si Joy.
“I’m really taking this role seriously because... ah, I’ve noticed, every time I see a show, the way it’s being done here, everything is glamorous, no matter what.
“So, I really want it to be realistic. I want it to look the way Hollywood does it, you know, when they have a role, they become the person,” pagtatapos pa ni Rhian Ramos.
Indie film ni Ruru dalawang taon ginawa
Nalungkot si Ruru Madrid na hindi napili ang kanyang indie film na Above the Clouds bilang isa sa official entries ng Metro Manila Film Festival sa taong ito.
Two years in the making ang naturang pelikula na idinirek ng young award-winning filmmaker na si Pepe Diokno. Kinunan ang buong pelikula sa Mount Pulag na inakyat nila Ruru at ng buong film crew ng siyam na oras at halos isang buwan silang nag-shoot doon.
“Fourteen years old pa lang ako noong magsimula akong mag-shoot for the movie. 16-years old na ako ngayon at kelan lang namin siya natapos,” diin ni Ruru.
Kuwento ng isang lolo at ng kanyang apo ang Above the Clouds. Ang legendary rocker na si Pepe Smith ang gumanap na lolo ni Ruru sa pelikula.
Isa si Ruru sa bini-build up ng GMA 7 para maging future leading man. Ngayon ay kasama siya sa bagong primetime series na My Destiny.
Bini-build up siya at ang ka-loveteam niyang si Ashley Ortega na una niyang nakatrabaho sa series na Dormitoryo.
Norte ni Lav Diaz umaariba pa rin sa international scene
Patuloy na umaani ng mga parangal ang independent film na Norte, Hangganan ng Kasaysayan (Norte, The End of History).
Nakasama ito sa list of best films for the first half of 2014 ng Variety.
“A mammoth achievement by the Filipino director Lav Diaz,” ayon pa sa film critic na si Scout Foundas.
“This loose modern retelling of Crime and Punishment admirably pulls off that Dostoevskyan trick of showing how a nation’s loss of ideals is reflected in the thwarted lives of individual men and women.”
Nakasama rin ang Norte na ma-cite ng Foundas kasama ang mga foreign films na The Grand Budapest Hotel, Ida, The Immigrant at Nymphomaniac.
Nagkaroon ng screening ang Norte sa Film Society of the Lincoln Center in New York City.
Ayon pa sa film critic na si A.O. Scott na isinulat niya sa New York Times, isang “tour de force of slow cinema” ang Norte.
Nasa top 10 list din ang Norte ng British Film Institute’s Sight and Sound, Internacional Cinefila at Art Forum.
Kelan lang at nagwagi ng apat na major awards sa 37th Gawad Urian Awards kasama na rito ang Best Picture.